Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Cebu, itinalagang Arsobispo ng Archdiocese of Jaro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,609 total reads

Itinalaga ng Papa Francisco si Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones bilang ika – 14 na arsobispo ng Archdiocese of Jaro.
 
Isinapubliko ng Vatican ang appointment nitong February 2 kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Candelaria ang patrona ng Jaro at buong Western Visayas.
 
Si Archbishop-designate Billones ang hahalili kay Archbishop Jose Romeo Lazo makaraang tanggapin ni Pope Francis ang pagretiro ng arsobispo.
 
Tubong Panay, Capiz ang bagong arsobispo ng Jaro at nagtapos ng Philosophy sa St. Vincent Ferrer Seminary sa Iloilo City, Theology sa Loyola School of Theology sa Quezon City habang 2011 nang magtapos ng Doctorate in Theology sa Pontifical Gregorian University sa Roma.
 
Inordinahang pari ng Jaro noong October 2, 1995 kung saan ilan sa ginampanang tungkulin ang pagiging personal secretary kay Archbishop Alberto Piamonte at Archbishop Angel Lagdameo.
 
Ang appointment ni Archbishop-designate Billones ay ilang linggo lang makaraang mailuklok si dating Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo bilang kauna-unahang obispo ng Diocese of Prosperidad.
 
Nagsilbing rector ng St. Joseph Regional Seminary sa Jaro si Bishop Billones nang hiranging obispo ni Pope Francis noong July 2019 habang ginawaran ng episcopal ordination noong August 27, 2019 sa Jaro Metropolitan Cathedral.
 
Bilang ika – 14 na arsobispo ng Jaro ipapastol ni Archbishop-designate Billones ang mahigit tatlong milyong katoliko sa lalawigan ng Iloilo, Iloilo City at Guimaras katuwang ang humigit kumulang sa 200 mga pari sa 94 na mga parokya.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,929 total reads

 10,929 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 66,719 total reads

 66,719 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 152,085 total reads

 152,085 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 198,821 total reads

 198,821 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 246,693 total reads

 246,693 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 347,364 total reads

 347,364 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top