Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,330 total reads

Mga Kapanalig, noong katapusan ng Enero, nag-viral ang isang Facebook post kung saan inakusahan ng sexual harassment ang isang driver ng isang TNVS o transportation network vehicle service. Ikinuwento ng nag-post, na isang estudyante, na kinailangan nilang bumabâ ng kapatid niya sa kalagitnaan ng biyahe nila pauwi, dahil sa kalaswaang ginawa diumano ng driver. Kalakip din ng kanyang kuwento ang screenshot mula sa app na naglalaman ng buong pangalan ng driver, at ng kulay, modelo, at plaka ng sasakyan niya.

Agad na pinabulaanan ng driver ang paratang. Sa nag-viral din na post, sinabi ng driver na naiintindihan niya kung paano na-misinterpret ng kanyang pasahero ang mga kilos niya noong oras na iyon. Pero ipinaliwanag niya na ang kanyang paghingal at paghimas sa tiyan ay hindi dahil may ginagawa siyang kalaswaan, gaya ng akala ng estudyante. Siya raw ay overweight, may hika, at busog dahil kakakain lamang niya ng hapunan.

Ilang araw hindi bumiyahe ang driver dahil pansamantalang sinuspinde ang kanyang account habang iniimbestigahan ang nangyari. Pagkatapos suriin ang audio recording ng biyahe, at ang profile at performance history ng driver, nagpahayag ang kompanya ng TNVS na walang sapat na ebidensya ang mga paratang sa driver. Ni-reactivate nito ang account ng inireklamong driver. Nakausap na rin daw nila nang hiwalay ang driver at ang pasahero tungkol sa kanilang pasya.

Pero bago ang hatol ng kompanya, mabilis na nagbigay ang mga netizens ng kanilang opinyon tungkol sa nangyari. Maraming pumanig sa driver, kasunod ng kanyang pagpapaliwanag at ng mabubuting kuwentong ibinahagi ng mga kakilala at iba pang naging pasahero niya. Inaway ng ibang netizens ang estudyanteng nag-akusa sa driver. May mga nagpakalat ng mga litrato ng estudyante, nang-insulto ng kanyang itsura at katawan, at nagpadala ng mga hate messages sa kanyang Facebook account. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, naka-deactivate pa rin ang Facebook account ng estudyante.

Makatwiran ang takot na naramdaman ng estudyante habang nasa biyahe, lalo na’t matagal nang isyu ang sexual harassment at madalas itong nararanasan ng kababaihan. Pero hindi tamang ilantad ang personal na impormasyon ng iba sa social media, lalo na’t talamak ang cyberbullying at ang tinatawag na cancel culture, kung saan dinudumog ng netizens ang mga tao o grupong gumawa ng mga bagay na hindi katanggap-tanggap, kahit pa walang matibay na ebidensya. Sila ay ipinapahiya online sa iba’t ibang pamamaraan, gaya ng pagpapakalat ng mga litrato, panlalait, at pagpapadala ng hate messages, na ginagawa ng netizens ngayon sa estudyanteng pasahero.

Tila ito ang katumbas ngayon ng kaparusahan noon na “stoning to death.” Ngunit sa isang kuwento sa Bibliya, sa Juan 8:7, nang dalhin ang isang makasalanang babae kay Hesus upang bigyan ng kaparusahan, sinabi Niya sa taumbayan, “Ang sinumang walang kasalanan ang siyang maunang bumato [sa babae].”

Mga Kapanalig, pinaaalalahanan tayo ni Hesus na maging mapagpatawad, mamuhay nang banal, at mag-ingat sa ating mga salita at aksyon na maaaring makasakit sa iba. Mali ang sexual harassment, pero hinding-hindi rin magiging makatarungan ang pang-aaway at pambu-bully online. Gaya ng sabi ni Pope Francis, bagamat kinokonekta ng social media ang mga tao, nagiging instrumento rin ito ng hindi paggalang sa isa’t isa. Maging maingat tayo sa ating mga salita at aksyon online nang hindi tayo makasakit sa iba. ‘Ika nga, think before you click. 

Sumainyo ang katotohanan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 11,058 total reads

 11,058 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 66,926 total reads

 66,926 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 152,292 total reads

 152,292 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 199,028 total reads

 199,028 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 246,900 total reads

 246,900 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 347,558 total reads

 347,558 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 66,927 total reads

 66,927 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 152,293 total reads

 152,293 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 199,029 total reads

 199,029 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 246,901 total reads

 246,901 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top