“I will always uphold the precepts of participatory at servant leadership,”- Bishop Andaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,142 total reads

Tiniyak ni Cabanatuan Bishop Prudencio Andaya, Jr., CICM ang pakikiisa at pakikilakbay sa kristiyanong pamayanan ng Southern Nueva Ecija.

Ayon sa obispo paiigtingin nito ang participatory at servant leadership sa pagpapastol sa mahigit isang milyong katoliko ng diyosesis.

“In my role as bishop, I want you to know that I always uphold the precepts of participatory and servant leadership, I commit to walk with you in and through your struggles, your joy and aspirations and hopes of the people in this diocese,” bahagi ng mensahe ni Bishop Andaya.

Apela ng obispo ang pagtutulungan bilang isang simbahan upang maitaguyod ang nagbubuklod na pamayanan at mapagaan ang bawat pagsubok na kinakaharap tungo sa tunay na pag-unlad.

Aminado si Bishop Andaya na hindi nito magagampanang mag-isa ang pagpapastol at paghilom mula sa anumang karanasan kundi kinakailangan nito ang kooperasyon sa nasasakupang kawan.

Sinabi ng obispo na sa pagtutulungan ay napapagaan ang mga tungkuling pastoral at espiritwal kaya’t dalangin nito ang higit na paggabay ng Espiritu Santo para sa kalakasan sa pagtataguyod sa nasasakupang kawan.

“It is my prayer that my ministry will strive to strengthen everyone that is bearing the burden of his life, encourage the faint hearted, support the weak, challenge those who oppose the gospel, and protect our flock against its enemies. Together we will liberate the oppressed, reconciled those in conflict and bear ones another burdens,” ani Bishop Andaya.

Sa homiliya ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas iginiit nitong ang pagkatalaga kay Bishop Andaya bilang obispo ng Cabanatuan ay dahil sa natatanging pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan batay sa kanyang episcopal motto na ‘Caritas Christi Urget Nos.’

“Si Bishop Jun ay isinugo sa atin ng Diyos hindi dahil sa kanyang katangian kundi dahil sa pag-ibig ni Kristo. Ito ay tanda ng pagmamahal ng Diyos sa atin,” ayon kay Archbishop Villegas.

Samantala pinasalamatan ni Bishop Andaya si Bishop Emeritus Sofronio Bancud, SSS na nagpastol sa Cabanatuan sa nakalipas na dalawang dekada mula Enero 2005.

Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Andaya sa cathedra ng St. Nicolas of Tolentine Cathedral sa Cabanatuan City na sinaksihan ng mananapalataya, mga lider ng lokal na pamahalaan at mga obispo mula sa iba’t ibang diyosesis lalo na ang mula sa ecclesiastical province of Lingayen Dagupan kung saan kabilang ang Cabanatuan.

Si Bishop Andaya na tubong Kalinga ay inordinahang pari ng Congregation of the Immaculate Heart of Mary noong 1986, naging misyonero sa Zambia Africa at nagsilbing Socius at Novice Master ng CICM Novitiate sa Taytay Rizal.

Taong 2003 nang italaga si Bishop Andaya bilang pastol ng Apostolic Vicariate ng Tabuk.

Ipapapastol ni Bishop Andaya ang mananampalataya sa 30 mga parokya sa 15 mga bayan kabilang na ang mga lunsod ng Gapan at Palayan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,551 total reads

 8,551 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,173 total reads

 63,173 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,538 total reads

 148,538 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,275 total reads

 195,275 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,147 total reads

 243,147 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 343,993 total reads

 343,993 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top