Environmental group, kinilala ang yumaong mambabatas sa pagtatanggol ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,340 total views

Binigyang-pugay ng EcoWaste Coalition ang buhay at paglilingkod ng yumaong human rights defender at Albay 1st district representative Edcel Lagman.

Ayon kay EcoWaste national coordinator, Aileen Lucero, kilala si Lagman sa paninindigan laban sa hindi makatarungang utang, pangangalaga sa kalikasan, at pagtataguyod ng dignidad ng tao.

“Known to many as a man of principle and action, Rep. Lagman valiantly fought for causes meant to defend human dignity, rectify injustice and uplift people’s lives, including the cancellation of illegitimate debts,” ayon kay Lucero.

Kabilang sa mga mahahalagang nagawa ng yumaong mambabatas ang pagsuporta sa kampanya laban sa nabigong proyektong Austrian medical waste incinerator na binili ng pamahalaan noong 1997 sa halagang mahigit P500-milyon.

Dahil hindi pumasa ang mga incinerator sa emission tests at lumabag sa Clean Air Act, ipinasara ito noong 2003.

Gayunpaman, patuloy pa ring binabayaran ng pamahalaan ang utang na may kaugnayan sa proyekto hanggang 2014.

Ibinahagi naman ni Gubat, Sorsogon Mayor Ronnel Lim, na siyang lead author ng Toxic Debt: The Onerous Austrian Legacy of Medical Waste in the Philippines, na malaki ang naging ambag ni Lagman upang mapahinto ang pagbabayad ng nasabing utang lalo na noong kasagsagan pandaigdigang krisis mula 2007 hanggang 2009.

“We remember with utmost gratitude the help extended by Rep. Lagman in bringing the failed Austrian medical waste incinerator project to the attention of his fellow lawmakers, and the justness of cancelling the debt payments during the difficult period of global financial crisis in 2007-2009,” ayon kay Lim.

Nakatuwang ni Lagman si dating Akbayan Partylist Representative at kasalukuyang Senador Risa Hontiveros sa pagpapahinto ng pagbabayad sa utang, na naging bahagi ng ‘Stop Toxic Debt! Campaign’.

Bukod dito, kinilala rin ng EcoWaste Coalition ang suporta ng yumaong mambabatas sa BANtay Endosulfan campaign, na nanawagan para sa agarang pagbabalik sa pinagmulan ng nakakalasong endosulfan pesticide, na nakuha mula sa lumubog na MV Princess of the Stars noong 2008.

Nanindigan si Lagman na hindi kailangang panatilihin ang mapanganib na kemikal sa bansa upang patunayan ang kaso sa korte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 27,928 total views

 27,928 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 77,942 total views

 77,942 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 73,811 total views

 73,811 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 109,452 total views

 109,452 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 116,466 total views

 116,466 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top