Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,151 total views

Mga Kapanalig, noong katapusan ng Enero, nag-viral ang isang Facebook post kung saan inakusahan ng sexual harassment ang isang driver ng isang TNVS o transportation network vehicle service. Ikinuwento ng nag-post, na isang estudyante, na kinailangan nilang bumabâ ng kapatid niya sa kalagitnaan ng biyahe nila pauwi, dahil sa kalaswaang ginawa diumano ng driver. Kalakip din ng kanyang kuwento ang screenshot mula sa app na naglalaman ng buong pangalan ng driver, at ng kulay, modelo, at plaka ng sasakyan niya.

Agad na pinabulaanan ng driver ang paratang. Sa nag-viral din na post, sinabi ng driver na naiintindihan niya kung paano na-misinterpret ng kanyang pasahero ang mga kilos niya noong oras na iyon. Pero ipinaliwanag niya na ang kanyang paghingal at paghimas sa tiyan ay hindi dahil may ginagawa siyang kalaswaan, gaya ng akala ng estudyante. Siya raw ay overweight, may hika, at busog dahil kakakain lamang niya ng hapunan.

Ilang araw hindi bumiyahe ang driver dahil pansamantalang sinuspinde ang kanyang account habang iniimbestigahan ang nangyari. Pagkatapos suriin ang audio recording ng biyahe, at ang profile at performance history ng driver, nagpahayag ang kompanya ng TNVS na walang sapat na ebidensya ang mga paratang sa driver. Ni-reactivate nito ang account ng inireklamong driver. Nakausap na rin daw nila nang hiwalay ang driver at ang pasahero tungkol sa kanilang pasya.

Pero bago ang hatol ng kompanya, mabilis na nagbigay ang mga netizens ng kanilang opinyon tungkol sa nangyari. Maraming pumanig sa driver, kasunod ng kanyang pagpapaliwanag at ng mabubuting kuwentong ibinahagi ng mga kakilala at iba pang naging pasahero niya. Inaway ng ibang netizens ang estudyanteng nag-akusa sa driver. May mga nagpakalat ng mga litrato ng estudyante, nang-insulto ng kanyang itsura at katawan, at nagpadala ng mga hate messages sa kanyang Facebook account. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, naka-deactivate pa rin ang Facebook account ng estudyante.

Makatwiran ang takot na naramdaman ng estudyante habang nasa biyahe, lalo na’t matagal nang isyu ang sexual harassment at madalas itong nararanasan ng kababaihan. Pero hindi tamang ilantad ang personal na impormasyon ng iba sa social media, lalo na’t talamak ang cyberbullying at ang tinatawag na cancel culture, kung saan dinudumog ng netizens ang mga tao o grupong gumawa ng mga bagay na hindi katanggap-tanggap, kahit pa walang matibay na ebidensya. Sila ay ipinapahiya online sa iba’t ibang pamamaraan, gaya ng pagpapakalat ng mga litrato, panlalait, at pagpapadala ng hate messages, na ginagawa ng netizens ngayon sa estudyanteng pasahero.

Tila ito ang katumbas ngayon ng kaparusahan noon na “stoning to death.” Ngunit sa isang kuwento sa Bibliya, sa Juan 8:7, nang dalhin ang isang makasalanang babae kay Hesus upang bigyan ng kaparusahan, sinabi Niya sa taumbayan, “Ang sinumang walang kasalanan ang siyang maunang bumato [sa babae].”

Mga Kapanalig, pinaaalalahanan tayo ni Hesus na maging mapagpatawad, mamuhay nang banal, at mag-ingat sa ating mga salita at aksyon na maaaring makasakit sa iba. Mali ang sexual harassment, pero hinding-hindi rin magiging makatarungan ang pang-aaway at pambu-bully online. Gaya ng sabi ni Pope Francis, bagamat kinokonekta ng social media ang mga tao, nagiging instrumento rin ito ng hindi paggalang sa isa’t isa. Maging maingat tayo sa ating mga salita at aksyon online nang hindi tayo makasakit sa iba. ‘Ika nga, think before you click

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 27,993 total views

 27,993 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 78,007 total views

 78,007 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 73,876 total views

 73,876 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 109,513 total views

 109,513 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 116,524 total views

 116,524 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Papalayô sa tunay na demokrasya

 27,995 total views

 27,995 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 78,009 total views

 78,009 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 73,878 total views

 73,878 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 109,515 total views

 109,515 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »
Scroll to Top