Prayers for Pope Francis, panawagan ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,168 total reads

Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananalangin para sa tuluyang paggaling ng Kanyang Kabanalan Francisco matapos na maospital noong February 14, 2025.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Youth chairman Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, mahalaga ang sama-samang pananalangin ng bawat mananampalataya para sa kagalingan ng punong pastol ng Simbahan.

Partikular na nanawagan ang Arsobispo sa mga kabataan upang ipanalangin ang patuloy na kalakasan at kabutihan ng pangangatawan ni Pope Francis.

“Panawagan rin sa lahat lalo na sa mga kabataan na ipanalangin si Pope Francis bilang namumuno sa ating na pastol ng universal church na sana bigyan siya ng lakas, lakas, wisdom, the determination para patuloy na magabayan niya tayo sa patuloy ding pagbabago ng Simbahan as an institutional church.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Alarcon sa Radyo Veritas.

Paliwanag ng Arsobispo, mahalaga ang tungkuling ginagampanan ni Pope Francis para sa pagsasakatuparan ng pagbabago sa buong mundo na sinisimulan ng Santo Papa sa mismong loob ng Simbahan partikular na loob ng curia.

Pagbabahagi ni Archbishop Alarcon nawa ay magkaisa ang lahat ng mga Katoliko sa pananalangin para sa tuluyang paggaling at panunumbalik ng lakas ng Santo Papa na kanyang kakailangan para sa patuloy na pagpapastol sa kawan ng Panginoon.
“Napakahalaga yung ginagawa niya, siya ay nananawagan ng pagbabago sa buong mundo, sa ating lahat pero sinisimulan niya ito sa loob sa curia, sa Simbahan at ipinapakita niya yung courage na yun. Sana magdasal po tayo, sabay-sabay tayong manalangin at ng sa gayun ay mabigyan si Pope Francis ng lakas na kailangan niya sa patuloy na pagpapastol sa atin.” Dagdag pa ni Archbishop Alarcon.

Kaugnay nito unang inihayag ng Holy See Press Office ang patuloy na pagbuti ng kalagayan ng Kanyang Kabanalan Francisco matapos na maospital noong araw ng Biyernes.

Ayon sa Vatican, patuloy ang mga pagsusuring isinasagawa sa Santo Papa kasabay patuloy na gamutan matapos siyang makaranas ng bronchitis.

Sa isinapublikong impormasyon ng Holy See Press Office ay inihayag nito ang magandang resulta ng mga test na isinagawa sa Santo Papa na indikasyon ng unti-unting pagbuti ng kanyang kalusugan.

Sinabi ng Vatican na dinala ang 88-taong gulang na Santo Papa sa Agostino Gemelli Polyclinic sa Roma upang masuri at maipagpatuloy ang gamutan matapos na makaranas ng bronchitis.

Pagbabahagi ng Vatican, kinakailangan pang dumaan ni Pope Francis sa ilan pang mga serye ng diagnostic tests upang matiyak ang kanyang kalusugan at pangangatawan.

Matatandaang dahil rin sa pagkakasakit noong Disyembre ng taong 2023 ay napilitan rin ang Santo Papa na kanselahin ang kanyang nakatakda sanang pakikibahagi sa COP28 Climate Summit sa United Arab Emirates.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 4,570 total reads

 4,570 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 6,792 total reads

 6,792 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 6,667 total reads

 6,667 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 19,272 total reads

 19,272 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 68,639 total reads

 68,639 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 90,729 total reads

 90,729 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 190,550 total reads

 190,550 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 222,765 total reads

 222,765 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 6,794 total reads

 6,794 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top