7,704 total views
Inaanyayahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na makiisa sa Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly o MAGPAS.
Isasagawa ang arkidiyosesanong pagtitipon sa March 8 araw ng Sabado sa Archdiocesan Shrine of Saint Joseph – San Jose de Trozo Parish na itinalagang Jubilee Church of Workers and Laborers.
Ayon kay Cardinal Advincula, tampok sa MAGPAS ngayong taong 2025 na maranasan ang diwa ng synodality sa lahat ng antas ng lipunan kaya’t mahalaga ang pakikiisa ng mamamayan sa sama-samang pagninilay at talakayan.
“As we celebrate the Jubilee Year 2025, it is our hope that we concretely experience synodality at all levels of the Archdiocese and sectors of society. For this reason, the MAGPAS for this year will focus on deepening our experience of synodal conversion,” ayon kay Cardinal Advincula.
Layunin ng MAGPAS na tipunin ang nasasakupang mananampalataya ng arkidiyosesis para makabuluhang pastoral formation lalo ngayong isinusulong nito ang Traslacion Roadmap o ang path of spiritual renewal and structural reforms’ ng RCAM.
Magsisimula ang pagpaparehistro ng MAGPAS sa alas siyete ng umaga na susundan ng banal na misang pangungunahan ni Cardinal Advincula sa alas otso ng umaga.
Alas nuwebe naman ang unang bahagi ng MAGPAS sa paksang The Hear of Synodality na tatalakayin ni Fr. Rico Ayo habang magtatapos ang buong pagtitipon sa alas onse ng umaga.
Mangyaring magparehistro online ang nagnanais lumahok sa MAGPAS sa Jubilee Website na jubilee.rcam.org o makipag-ugnayan sa Office for the Promotion of the New Evangelization sa [email protected] o sa telepono bilang 02 8405-0093 at cellphone 0962-448-1859.