Pagkaligaw ng landas ng tao, dulot ng pagkalimot sa Diyos-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,611 total reads

Pinaalalahanan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na ang pagkalimot at paglayo sa Diyos ang ugat ng pagkaligaw ng tao.

Sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng ika-18 kapistahan ng Jesus of Nazareth Parish sa Old Balara, Quezon City, binigyang-diin ng kardinal ang malubhang panganib sa pagkawala ng kamalayan sa presensya ng Diyos sa gitna ng mga hamon ng makabagong panahon.

“To lose the sense of God is to lose the sense of sin. Kapag kinalimutan natin ang Diyos, wala na ring basehan ng tama o mali, matuwid o baluktot, moral o imoral. Kapag kinalimutan natin ang Diyos, hindi na malayo ang kasamaan at kasalanan,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Advincula.

Dagdag pa ni Cardinal Advincula na dapat alalahanin ng tao ang Diyos sa araw-araw na pamumuhay, hindi lamang sa loob ng mga simbahan kundi maging sa tahanan, paaralan, at trabaho upang makaiwas sa tukso ng kasamaan.

“Huwag nating kakalimutan ang Diyos, sapagkat sa oras na kinalimutan natin ang Diyos, madali tayong mahuhulog sa kasalanan,” ayon pa sa kardinal.

Tinukoy ng arsobispo ang tunay na diwa ng pag-ibig na ipinamalas ni Hesus na nakaugat sa pag-aalay ng sarili para sa kapwa.

Hinimok ni Cardinal Advincula ang mananampalataya na ibalik ang Diyos sa sentro ng buhay ng bawat isa sa gitna ng tumitinding ingay ng mundo tulad ng mga kaguluhan, impluwensya ng materyalismo at maging ang pagtuon sa sarili.

“Ang pag-ibig ay pagkalimot sa sarili para sa iba… Sa mundong nakakalimutan o pilit na kinakalimutan ang Diyos, sa mundong ang inaalala at mahalaga lamang ay ang sarili, ibalik natin ang alaala ng Diyos,” giit ni Cardinal Advincula.

Paalala pa ng kardinal na sa bawat paglalakbay ng tao, si Hesus Nazareno ang patuloy na umaakay sa bawat isa sa kabila ng mga pagsubok at suliranin sa buhay.

Apela ng arsobispo sa mga deboto na manatiling matatag sa pananampalataya at huwag hayaang matabunan ng ingay ng lipunan ang presensya ng Diyos, na siyang gabay sa tama at makabuluhang pamumuhay.

Katuwang ng kardinal sa banal na misa si Fr. Osben Pantorilla ng Sons of Charity, ang kasalukuyang kura paroko ng parokya na nangangasiwa sa mga programang nakatuon sa liturhiya, katesismo, at social outreach ng mission area ng Old Balara.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,279 total reads

 54,279 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 140,775 total reads

 140,775 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 183,812 total reads

 183,812 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,571 total reads

 233,571 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,222 total reads

 392,222 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top