Solarization contract, iginawad sa 7-parokya sa Diocese of Calapan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,740 total reads

Opisyal nang iginawad ng Diocese of Calapan ang solarization contracts para sa pitong parokya sa Oriental Mindoro bilang bahagi ng kauna-unahang REnew Mindoro Investments Summit na ginanap sa Divine Word College of Calapan noong April 30, 2026.

Pinangunahan ang summit ng Diocese of Calapan Social Action Center, Center for Energy, Ecology, and Development, kasama ang mahigit 150 kinatawan mula sa pamahalaan, pribadong sektor, financing institutions, at civil society organizations.

Ayon kay Fr. Edwin Gariguez, social action director ng diyosesis at lead convenor ng Protect the Verde Island Passage Network, makabuluhang tugon ito ng Simbahan, katuwang ang iba’t ibang organisasyon, sa patuloy na suliranin ng mga Mindoreño sa pagkakaroon ng maaasahan at abot-kayang suplay ng kuryente.

“Tonight, Mindoro celebrates light. But for many of our people, light remains uncertain,” pahayag ni Fr. Gariguez.

Umaabot sa 200 kilowatt-peak (kWp) ang kabuuang solar capacity ng mga proyekto na nalikom mismo ng mga parokya sa loob lamang ng limang buwan, sapat upang makalikha ng tinatayang 800 hanggang 1,000 kilowatt-hours ng malinis na kuryente kada araw.

Kabilang sa mga parokyang tumanggap ng kontrata ang Good Shepherd Parish sa Victoria; St. Joseph Parish sa Bongabong; St. Catherine of Alexandria Parish sa Mansalay; Our Mother of Perpetual Help Quasi Parish sa Biga, Calapan City; St. Augustine Parish sa Pinamalayan; Sts. Peter and Paul Chaplaincy sa Lumangbayan, Calapan City; at St. Isidore Labrador Parish sa Nabuslot, Pinamalayan.

Hinimok din ni Fr. Gariguez ang iba’t ibang sektor na huwag lamang ituon ang pansin sa kasalukuyang krisis sa enerhiya, bagkus kilalanin din ang hindi pa ganap na napapakinabangang likas na yaman at potensyal na renewable energy ng Mindoro.

“We are not energy poor; we have just yet to unlock how our natural resources can generate mura, maaasahan, at malinis na kuryente for every Mindoreño,” dagdag ni Fr. Gariguez.

Nakabatay ang proyekto sa mga naunang pilot solar installations sa Victoria, kabilang ang Mangyan-Tadyawan community solar project, bilang konkretong hakbang ng Simbahan tungo sa pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng makatarungan at sustenableng kaunlaran alinsunod sa diwa ng Laudato Si’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,228 total reads

 54,228 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 140,724 total reads

 140,724 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 183,761 total reads

 183,761 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,520 total reads

 233,520 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,173 total reads

 392,173 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 191,879 total reads

 191,879 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top