Mga Cebuano hinimok ni Archbishop Uy na magtayo ng Miyawaki Pocket Forest

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,704 total reads

Hinikayat ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga Cebuano na magtayo ng Miyawaki Pocket Forest sa kani-kanilang pamayanan bilang konkretong ambag sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang Miyawaki Pocket Forest ay isang masinsinang paraan ng pagtatanim na naglalayong makabuo ng mabilis na lumalago at sariling nabubuhay na ekosistema.

Ayon kay Archbishop Uy, kahit maliliit na espasyo tulad ng bakuran, paaralan, o lote ng parokya ay maaaring gawing luntiang kagubatan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga katutubong puno at halaman.

“More than a project, it is a simple but powerful act of care for our common home… One small forest, planted with care, can inspire many others—and together, they can help heal our land,” pahayag ni Archbishop Uy.

Iginiit ng arsobispo na ang simpleng hakbang na ito ay hindi lamang makatutulong sa pagpapalamig ng kapaligiran at pagpapanumbalik ng sigla ng lupa, kundi makapagbibigay rin ng tirahan sa mga ibon at iba pang buhay-ilang.

Hinimok din ni Archbishop Uy ang mga komunidad na magsimula kahit sa maliit na espasyo sa pamamagitan ng paghahanda ng lupa, paggamit ng organikong pataba, at pagtatanim ng samu’t saring katutubong punongkahoy.

Ang Miyawaki Method ay binuo ni Dr. Akira Miyawaki, isang Japanese botanist at plant ecologist na nakilala sa pagsusulong ng mabilis at likas na pagpapanumbalik ng mga kagubatan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ibinahagi rin ni Archbishop Uy na sa pamamagitan ng pamamaraang ito ay maaaring makabuo ng matured at self-sustaining na kagubatan sa loob lamang ng 20 hanggang 30 taon, mas mabilis kumpara sa karaniwang paraan ng pagtatanim ng mga puno.

“Dr. Miyawaki helped plant over 40 million trees worldwide, restoring degraded lands, urban areas, and even industrial sites into thriving green spaces. His work reminds us that nature can heal quickly—if we work with it, not against it,”
ayon kay Archbishop Uy.

Binigyang-diin ng arsobispo na bawat maliit na gubat na maitatanim ay hakbang tungo sa paghilom ng daigdig at pagsasabuhay ng pananagutan sa nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 50,611 total reads

 50,611 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 137,111 total reads

 137,111 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 180,148 total reads

 180,148 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 229,907 total reads

 229,907 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 388,804 total reads

 388,804 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 191,695 total reads

 191,695 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top