Pamahalaan, hinamon ng simbahan na bigyan ng regular ang tourism workers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,654 total reads

Umaapela si Fr.Erik Adoviso – Minister ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern sa pamahalaan na bigyang-pansin ang kalagayan at kapakanan ng mga tourism worker sa bansa.

Iminungkahi ni Fr.Adoviso sa pamahalaan na tiyaking kasama ang mga manggagawa sa sektor ng turismo sa mga inisyatibo na magtataas sa antas ng pamumuhay ng mga manggagawa sa bansa.

Ito ang panawagan ng Pari sa paggunita ngayong araw ng World Tourism Resilience Day upang maalis ang kawalan ng katiyakin sa trabaho at kapakanan ng tourism workers sa Pilipinas.

Tinukoy ng Pari ang pananatiling ‘seasonal’ ng trabaho ng maraming manggagawa sa turismo na hindi kumikita o napakababa lamang ng suweldong natatanggap kung hindi ‘peak season’ ang mga tourist spot sa bansa.

Hinimok ni Father Adoviso ang pamahalaan na isulong ang mga polisiya, batas at programang tutulong na maging regular at tuloy-tuloy ang trabaho ng mga tourism worker.

Tiwala ang Pari na sa pamamagitan nito ay mapapaunlad ang kabuhayan ng mga tourism worker kasabay ng paglago ng ekonomiya ng bansa.

“Meron pa silang trabaho na talagang makakapag-paunlad sa turismo sa Pilipinas in other words I am for the regular jobs doon sa mga turismo workers natin especially doon sa mga guide natin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Adoviso.

Taon-taon ginugunita ng United Nations ang Global Tourism Resilience Day upang kilalanin ang pananatiling matatag ng sektor ng turismo sa kabila ng mga hamon sa ekonomiya, katulad ng naranasang COVID-19 Pandemic na lubhang ikinalugi ng pandaigdigang sektor ng turismo habang noon 2024 ng ideklara ng UN na itatalaga ang 2027 bilang International Year of of Sustainable and Resilient Tourism.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority aabot sa 16.4-million ang bilang ng mga manggagawa sa sektor ng turismo sa Pilipinas na parehong matatagpuan sa pormal at impormal na sektor ng paggawa.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 5,295 total reads

 5,295 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 7,574 total reads

 7,574 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 7,393 total reads

 7,393 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 20,624 total reads

 20,624 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 69,773 total reads

 69,773 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 91,863 total reads

 91,863 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 191,684 total reads

 191,684 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 223,832 total reads

 223,832 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 7,394 total reads

 7,394 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top