Pahalagahan ang paglalakbay sa mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,819 total views

Pinaalalahanan ni CBCP Office on Stewardship Chairperson, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mamamayan na dapat pahalagahan ang paglalakbay sa mundo.

Ayon sa obispo hindi maihalintulad sa isang turista na namamasyal at pinagmamasdan ang kagandahan ng lugar ang paglalakbay ng tao sa halip ay dapat pagsumikapang maging makabuluhan upang matamasa ang buhay na walang hanggan.

Aniya sa diwa ng Jubilee Year sa temang Pilgrims of Hope pinaalalahanan ng simbahan ang mananampalataya na bawat isa ay perigrinong naglalakbay sa mundo.

“Ang paksa ng ating Jubilee Year ay Pilgrims of Hope. Pinapaalaala sa atin na tayo ay mga pilgrims sa buhay na ito, hindi mga turista. Ang pilgrim ay naglalakbay. May patutunguhan siya at iyan ay isang banal na lugar. Hindi tayo turista sa ating paglalakbay sa mundong ito – turista na patingin-tingin lang… May purpose ang buhay natin. Papunta tayo sa Diyos,” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo.

Iginiit ni Bishop Pabillo na bilang kristiyano ay nararapat manatiling buhay ang pag-asa sa paglalakbay sa mundo tulad ng ipinangakong kaligtasan ng Panginoon.

Batid ng opisyal ang maraming hadlang upang matamasa ang buhay na walang hanggan kaya’t paalala nito sa mamamayan na huwag maligaw sa tinatahak na landas tulad ng paghahabol ng kayamanan, karangyaan, karangalan at kaaliwan na magiging sanhi ng pagkawalay sa Diyos.

Muling hinikayat ni Bishop Pabillo ang mamamayan na aktibong makibahagi sa pagdiriwang ng simbahang katolika sa Jubilee Year at tamasahin ang mga biyayang ipinagkakaloob tulad ng pagkakamit ng plenary indulgence sa pamamagitan ng pagbisita sa mga jubilee churches.

Matatandaang sa paglunsad ni Pope Francis ng Jubilee Year noong December 24 nang nakalipas na taon ay nagtalaga rin ang mga diyosesis ng iba’t ibang jubilee churches na maaring bisitahin sa buong taon upang makamtan ang indulhensya alinsunod sa mga alintuntunin ng pagtanggap tulad ng pangungumpisal, pagtanggap ng banal na komunyon, panalangin sa intensyon ng santo papa, pag-usal at Ama Namin at Credo.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 2,098 total views

 2,098 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 25,257 total views

 25,257 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 46,532 total views

 46,532 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 219,440 total views

 219,440 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top