Obispo, nagpahayag ng paghanga sa mga nakiisa sa “Walk for Life” 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,808 total reads

Nagpahayag ng paghanga si Malaybalay Bishop Noel Pedregosa sa lahat ng mga nakibahagi sa naganap na Walk for Life 2025.

Ayon kay Bishop Pedregosa na kasaping Obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Family and Life (ECFL), kahanga-hangang makita ang aktibong paninindigan ng bawat isa para sa kasagraduhan ng buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat nilalang.

Tema ng Walk for Life 2025 ngayong taon ang “Walk for Hope” na naglalayong patuloy na panindigan, isulong at ipagtanggol ang buhay ng bawat nilalang na alinsunod na rin sa paggunita ng Simbahan ng Jubilee Year of Hope ngayong taon.

“Very moving, very touching and marami pala tayong lover of life and lover of family.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Pedregosa sa Radyo Veritas.

Personal na nakibahagi si Bishop Pedrego sa pagdiriwang ng banal na misa na pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral.

Personal ding nakibahagi sa Walk for Life 2025 sina CBCP-Episcopal Commission on the Laity Chairman, Dipolog Bishop Severo Caermare; at CBCP Episcopal Commission on Family and Life Chairman, Parañaque Bishop Jesse Mercado; gayundin sina San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda, at San Fernando La Union Bishop Daniel Presto.

Sa tala mahigit sa 3,500 mananampalataya mula sa iba’t ibang pro-life groups at institusyon ng Simbahan ang lumahok sa prusisyon mula Luneta patungong Manila Cathedral.

Pinangunahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity ang pagsasakatuparan ng Walk for Life 2025 ngayong taon katuwang ang CBCP Episcopal Commissions on Family and Life, Office for the Promotion of the New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila, Manila Cathedral at Radio Veritas.

Ang taunang Walk for Life ay unang isinagawa noong taong 2017 na dinadaluhan ng mga laiko mula sa iba’t ibang diyosesis at lay organization na isinasagawa din sa iba pang diyosesis sa buong bansa.

Church workers, hinamon ni Bishop Santos

 1,059 total reads

 1,059 total reads Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga church workers na seryosohin ang kanilang papel bilang mga lingkod na tumatanggap sa mga deboto

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 58,239 total reads

 58,239 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 118,735 total reads

 118,735 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 137,920 total reads

 137,920 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 218,574 total reads

 218,574 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 317,645 total reads

 317,645 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top