Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pilipinas muling itinalaga sa pangangalaga ng birheng Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,197 total views

Muling itinalaga ang Pilipinas sa mapagkalingang pangangalaga sa Mahal na Birhen, Reyna ng Kapayapaan.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang consecration sa ikawalong araw ng misa nobenaryo ng National Shrine of Mary Queen of Peace of EDSA Shrine nitong February 23.

Ayon sa cardinal ang pagtalaga ay tanda ng paninindigang patuloy itaguyod ang kapayapaan lalo na sa kasalukuyang panahon na maraming hamong kinakaharap ang bansa tulad ng hindi pagkakasundo ng mga lider at labis na paglaganap ng fake news.

“The Entrustment to Our Lady of Peace is an expression of our commitment to peace, justice, and good governance,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Napapanahon ang panawagan ng arsobispo lalo’t gugunitain ng bansa ang ika – 39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na tinaguriang bloodless revolution sa buong mundo at matibay na pagpapahayag ng masidhing pananampalataya ng mga Pilipino na sa pamamagitan ng mga panalangin ay nakamit ang kapayapaan at kalayaan ng bansa.

Umaasa si Cardinal Advincula na tulad ng Mahal na Birheng buong pusong umawit ng Magnificat para sa katarungan at kapayapaan ng Israel noon ay magkaisa ang mga Pilipino sa pagsusulong ng makatarungan at malayang bansa.

“We cannot be truly pueblo amante de Maria if we are pious and devout in our personal lives but disregard God’s precepts,” ani Cardinal Advincula.

Batid din ng opisyal ang laganap na fake news sa bansa na kadalasang pinaniniwalaan ng mga ordinaryong mamamayan lalo na ang mga nababasa at napapanuod online.

Dalangin ni Cardinal Advincula na gawing huwaran ang Mahal na Ina sa pagtataguyod ng katotohanang nakabatay sa mga turo ng Panginoon.

“We cannot be truly pueblo amante de Maria if we destroy our land with disinformation, abuse, violence, corruption, and destruction of creation. /lMaging mapagmahal tayo katulad ni Maria,” giit ni Cardinal Advincula.

Samantala itinatag naman ang EDSA Shrine noong 1989 o tatlong taon makalipas ang matagumpay na pag-alsa ng mga Pilipino laban sa dalawang dekadang diktadurang pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“This shrine is a testament to God’s protection and Our Lady’s maternal embrace,” saad ng arsobispo.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Fr. Jerome Secillano ang EDSA Shrine na unang nanindigang patuloy na isabuhay ang diwa at aral ng EDSA People Power na hindi lamang usaping pulitikal kundi paghahayag sa matatag na pananampalataya ng sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 60,625 total views

 60,625 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 82,691 total views

 82,691 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 98,387 total views

 98,387 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 105,288 total views

 105,288 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 165,027 total views

 165,027 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top