Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 83,398 total reads

Mga Kapanalig, walang nagbabawal sa mga kandidato ngayong eleksyon o sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng tinatawag na “negative campaigning”. Tugon ito ng Commission on Elections (o COMELEC) sa pagpapatutsadahan ng mga kampo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr at ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pag-endorso nila sa kani-kanilang manok sa Senado.

Sa ilalim ng Fair Elections Act, pinapayagan ang paglalathala o pagbo-broadcast ng mga political advertisement o patalatas at mga propagandang pabor o hindi pabor sa sinumang kandidato o partidong pulitikal. Pero paalala ng COMELEC, panatilihin sana ng mga kandidato at kanilang mga tagasuporta na “classy” at may paggalang pa rin ang gagawin nilang negative campaigning. Posible pa rin kasi silang papanagutin sa batas kung mapatutunayang ang kanilang sinasabi tungkol sa kanilang mga kalaban ay makokonsiderang paninirang-puri na o libel. Sa isyu ng palitan ng maaanghang na salita ng malalaking kampo sa pulitika para lamang iangat ang kani-kanilang mga kandidato, sinabi ng COMELEC na bahagi ng karapatan ng dati at kasalukuyang presidente sa freedom of expression ang kanilang ginawa. Wala raw sa posisyon ang COMELEC na bantayan ang mga sasabihin at gagawin ng mga kandidato at mga tagasuporta nila.

Asahan na natin ang batuhan ng putik at labasan ng baho ng mga magkakalaban hanggang sa araw na matapos ang kampanya. Hindi na natin sila mapipigilan, pero tayong mga botante ay hindi na sana makisawsaw sa negative campaigning. Oo, karapatan nating ipahayag ang ating saloobin tungkol sa pulitika at ang ating opinyon tungkol sa mga kandidatong napupusuan o kinasusuklaman natin. Pero hindi ito lisensya para gamitin ito sa paninira at, ang mas nakababahala, sa pagpapakalat ng maling impormasyon. 

Laganap ang panlilinlang tuwing eleksyon, at pinalalâ pa ito sa paggamit ng napakarami sa atin ngayon ng social media. Sa isang bansang napakababa ng tinatawag na media literacy ng mga tao, napakarami sa atin ang madaling mapaniwala ng mga nababasa at napapanood natin sa social media. Uso na rin ang mga “online warriors” ng mga kandidato na handa silang iangat at ipagtanggol o kaya naman ay siraan ang nasa kabilang bakod. Pinagkakakitaan na nga ito ng ilan nating kababayang walang mahanap na regular na trabaho o naghahanap ng sideline. Nakalulungkot na naitutulak ang ating mga kababayan na maging intrumento ng kasinungalingan at paninira. Hindi naman natin sila masisisi kung kailangan nilang maghanap ng maipambibili ng anumang kailangan ng kanilang pamilya o kapag may tinatanaw silang utang na loob sa pulitikong pinagsisilbihan nila.

Ito ang malungkot na katotohanan sa ating pulitika. Malayo ito sa hangarin ng ating Santa Iglesia. Sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, inilarawan ni Pope Francis ang isang “better kind of politics”, isang mas mabuting uri ng pulitika. 

Anong uri ng pulitika ito? Isang pulitika itong pinaglilingkuran ang kabutihang panlahat; isang pulitikang may pagtanaw sa kinabukasan at may kakayahang tugunan ang mga kasalukuyang krisis na kinakaharap ng taumbayan. Hangarín sana natin ang isang pulitikang binabago ang mga institusyon sa halip na isulong ang pansariling interes ng iilan. Mamayani sana sa atin ang isang pulitikang naghahahangad ng pagkakapatiran sa kabila ng ating mga pagkakaiba-iba. Ngunit hindi rin nararapat ang pulitikang binubulag ang mga tao kapalit ng salapi at itinatago sa kanila ang katotohanan tungkol sa mga lingkod-bayan. Lalabas at lalabas din ang katotohanan; “walang natatagong ‘di malalantad, at walang lihim na di mabubunyag,” wika nga sa Marcos 4:22.

Mga Kapanalig, ngayong eleksyon, sa halip na pagtuunan natin ng pansin at enerhiya ang negatibong pangangampanya, hanapin natin sa mga kumakandidato ang kanilang mga plano at plataporma. Alamin natin ang mga interes na handa nilang protektahan. Suriin natin ang kakayahan nilang mamuno at ang katapatan nilang maglingkod.

Sumainyo ang katotohanan.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 2,506 total reads

 2,506 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 4,583 total reads

 4,583 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 4,565 total reads

 4,565 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 16,146 total reads

 16,145 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 65,710 total reads

 65,709 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 87,800 total reads

 87,799 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 187,621 total reads

 187,620 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 220,024 total reads

 220,024 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Malaya na si Mary Jane

 16,147 total reads

 16,147 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

PAX SILICA

 87,801 total reads

 87,801 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 187,622 total reads

 187,622 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »
Scroll to Top