Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 87,157 total reads

Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!” 

Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month sa taóng ito. Sinasalamin nito ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na matamasa ng kababaihan ang kanilang mga karapatan, na ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga lalaki ay nakakamit din nila, at na ligtas sila mula sa diskriminasyon, pang-aabuso, at karahasan. Ang mga hangaring ito ay para daw sa lahat ng kababaihan sa iba’t ibang sektor. 

Pero patuloy na nakararanas ang maraming babae ng karahasan. Ayon sa PNP, mula Enero hanggang Nobyembre 2023, mahigit 11,000 na kaso ng karahasan laban sa kababaihan ang naitala. Sa bilang na ito, nasa 8,000 ang naisampa bilang paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act, nasa 2,000 ang paglabag sa Anti-Rape Law, at 59 ang paglabag sa Anti-Sexual Harassment Act. Sa kabila ng libu-libong kasong ito, sinasabi ng Philippine Commission on Women (o PCW) na isa lamang sa sampung kaso ng karahasan laban sa kababaihan ang naire-report. Ibig sabihin, marami pang kaso ng pang-aabuso at karahasan sa kababaihan ang tagô sa mga pamilya at komunidad. 

Maraming dahilan kung bakit patuloy ang pang-aabuso sa kababaihan. Pangunahin dito ang mababang pagtingin sa dignidad at pagpapahalaga sa kababaihan. Nakaugat ito sa ating mga paniniwala at nakagawian, at sinasalamin maging sa ating mga batas. 

Ayon kay Bataan First District Representative Geraldine Roman, may 11 na artikulo sa Family Code ang maituturing na “pro-men” o pabor sa kalalakihan pagdating sa mga usaping-pampamilya. Halimbawa, lalaki ang may hulíng salita sa pagbebenta ng ari-arian ng pamilya. Ang asawang lalaki rin ang maaaring magdesisyon pagdating sa pagpapakasal ng mga anak nilang nangangailangan ng parental consent at advice. Sa madaling salita, may mga batas tayong isinasantabi ang pantay na karapatan at kapangyarihan ng mga babae at lalaki sa ating mga pamilya mismo.  

Mayroon nang panukalang batas upang repasuhin ang Executive Order No. 209 na siyang batayan ng ating Family Code. Nanawagan si Representative Roman sa mga kapwa niya mambabatas na suportahan at talakayin na ang panukala. Hindi na raw ito maipapasá bilang batas ngayong 19th Congress. Pero kung maaprubahan ito sa third reading sa kongresong ito, maibibigay na ito sa House Committee on Women and Gender Equality, na pinamumunuan niya ngayon, sa pagbubukas ng 20th Congress. 

Binibigyang-diin sa mga turo ng Simbahang pareho at pantay ang dignidad ng babae at lalaki, hindi lamang dahil kapwa silang nilikha ng Diyos. Mayroon silang mga pagkakaiba, ngunit dahil mismo sa mga pagkakaibang ito, pinupunuan nila ang isa’t isa. Samakatuwid, babae, lalaki, o anumang kasarian, “lahat ay larawan ng Diyos”, ayon sa Genesis 1:26. Bawat isa sa atin ay may dignidad na itinataguyod, hindi dapat yinuyurakan. Walang kasariang mas malakas at mas dapat pahalagahan. Lahat tayo ay may mga biyayang maiaambag sa pagbubuo ng kaharian ng Diyos dito sa lupa. 

Kaya naman, malaking kawalan ng katarungan ang pang-aabuso at karahasang patuloy na nararanasan ng kababaihan. Pagyurak sa kanilang dignidad ang hindi pantay na pagpapahalaga sa kanila sa loob mismo ng mga tahanan. Katulad ng paaalala sa Catholic social teaching na Mulieris Dignitatem: Kinakailangan ang paggalang… sapagkat ang kababaihan ay hindi “bagay” na maaaring “pagharian” at “angkinin” ng kalalakihan.

Mga Kapanalig, kung seryoso tayo at ang administrasyon na iangat ang kababaihan sa lahat ng sektor, siguruhin nating wala nang babaeng magiging biktima ng karahasan, pang-aabuso, at diskriminasyon. Tunay lamang ang “Bagong Pilipinas” kung mababago natin ang mga paniniwala, kaugalian, at batas na isinasanatabi ang mga babae. 

Happy Women’s Month sa mga Kapanalig nating babae!

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 82,039 total reads

 82,039 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 183,766 total reads

 183,766 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 220,554 total reads

 220,554 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 251,129 total reads

 251,129 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 296,154 total reads

 296,154 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO GINASTOS ANG PERA

 82,040 total reads

 82,040 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 183,767 total reads

 183,767 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 220,555 total reads

 220,555 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 251,130 total reads

 251,130 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top