Biyernes, Abril 4, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,999 total views

Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Karunungan 2, 1a. 12-22
Salmo 33, 17-18. 19-20. 21 at 23

Sa D’yos hindi mabibigo
ang mga nasisiphayo.

Juan 7, 1-2. 10. 25-30

Friday of the Fourth Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Karunungan 2, 1a. 12-22

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Sinabi ng masasama:
“Tambangan natin ang taong matuwid,
pagkat hadlang sila sa ating mga balak;
ipinamumukha nila sa atin ang pagsuway sa kautusan,
at sinasabing tayo’y nagkasala laban sa ating kaugalian.
Ipinamamarali nilang nakikilala nila ang Diyos,
at sinasabing sila’y anak ng Panginoon.
Sila ang nagbibigay sa atin ng mga problema.
Makita lang natin sila’y balisa na tayo,
pagkat kaiba ang gawain nila’t pamumuhay.
Ang palagay nila sa atin ay mababang-mababa,
at nandidiri sila sa ating gawain;
sinasabi nilang kaligayahan ang wakas ng matuwid,
at ipinagmamagaling na sila’y anak ng Diyos.
Tingnan natin kung ang salita nila’y magkakatotoo,
kung ano ang mangyayari sa kanila pagkamatay nila.
Kung ang mga matuwid ay anak nga ng Diyos
sila ay tutulungan niya at ililigtas sa mga kaaway.
Subukin natin silang dustain at pahirapan,
upang malaman natin kung hanggang saan ang kanilang kagandahang-asal,
at kung hanggang kailan sila makatatagal.
Subukin nating ibingit sila sa kamatayan,
yamang ang sabi nila ay iingatan sila ng Diyos.”
Iyon ang usapan ng masasama, ngunit sila’y nagkakamali,
pagkat binubulag sila ng kanilang kasamaan.
Hindi nila natalos ang lihim na panukala ng Diyos,
hindi sila umasa sa gantimpala ng kabanalan,
hindi naisip ang magandang wakas ng malinis na pamumuhay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 17-18. 19-20. 21 at 23

Sa D’yos hindi mabibigo
ang mga nasisiphayo.

Nililipol ng Diyos yaong masasama
hanggang sa mapawi sa isip ng madla.
Agad dinirinig daing ng matuwid
inililigtas sila sa mga panganib.

Sa D’yos hindi mabibigo
ang mga nasisiphayo.

Tumutulong siya sa nasisiphayo
ang walang pag-asa’y hindi binibigo.
Ang taong matuwid, masuliranin man,
sa tulong Poon, agad maiibsan.

Sa D’yos hindi mabibigo
ang mga nasisiphayo.

Kukupkupin siya nang lubus-lubusan,
kahit isang buto’y hindi magagalaw.
Mga lingkod niya’y kanyang ililigtas,
sa napakukupkop, siyang mag-iingat!

Sa D’yos hindi mabibigo
ang mga nasisiphayo.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Mateo 4, 4b

Ang tao ay nabubuhay
hindi lamang sa tinapay
kundi sa Salitang mahal
mula sa bibig na banal
ng Ama nating Maykapal.

MABUTING BALITA
Juan 7, 1-2. 10. 25-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, nilibot ni Hesus ang Galilea; iniwasan niya ang Judea, sapagkat ibig siyang patayin ng mga Judio roon. Nalalapit na ang Pista ng mga Tolda, isang pista ng mga Judio. Pagkaalis ng kanyang mga kapatid, si Hesus ma’y pumunta rin sa pista, ngunit hindi hayagan. Sinabi ng ilang taga-Jerusalem, “Hindi ba ito ang taong gusto nilang patayin? Hayan! Lantaran siyang nagsasalita, ngunit wala silang sinasabi laban sa kanya! Baka naman kilala ng mga pinuno na siya nga ang Mesiyas! Walang makaaalam kung saan magmumula ang Mesiyas pagparito niya, ngunit alam naman natin kung saan nagmula ang taong ito!”

Kaya’t nang nasa templo si Hesus at nagtuturo, malakas niyang sinabi, “Ako ba’y nakikilala ninyo? Alam ba ninyo kung saan ako nagmula? Hindi ako naparito sa ganang akin lamang. Ang Totoo ang siyang nagsugo sa akin, ngunit hindi ninyo siya nakikilala. Nakikilala ko siya, sapagkat ako’y mula sa kanya, at siya ang nagsugo sa akin.” Tinangka nilang dakpin siya; ngunit walang nangahas, sapagkat hindi pa niya oras.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Biyernes

Sa ating paglalakbay sa buhay, idalangin natin na pagkalooban tayo ng tapang na magsalita at magsikap para sa katotohanan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, palakasin Mo kami sa Iyong katotohanan.

Ang mga kasapi ng Simbahan nawa’y magsikap na palaganapin ang Mabuting Balita ni Jesus sa buong mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng pagninilay sa pagpapakasakit ni Jesus sa krus, ang mga taong hindi sumasampalataya nawa’y manampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa ay magkaroon ng kapayapaan sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga dukha nawa’y maranasan ang nagpapagaling at mapagmahal na presensya ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong tapat sa Panginoon nawa’y magtamasa ng kapayapaan ng kanilang tahanan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, isinugo mo ang iyong Anak upang magpakasakit para sa amin. Loobin mo na sa pamamagitan ng aming pananampalataya sa kanya, malabanan namin ang kawalan ng pananampalataya sa aming sarili at sa mundo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 6,680 total views

 6,680 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 180,614 total views

 180,614 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 158,247 total views

 158,247 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 222,174 total views

 222,174 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 241,490 total views

 241,490 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Mayo 27, 2026

 457 total views

 457 total views Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo 1 Pedro 1, 18-25 Salmo 147, 12-13.

Read More »

Martes, Mayo 26, 2026

 2,114 total views

 2,114 total views Paggunita kay San Felipe Neri, pari 1 Pedro 1, 10-16 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog

Read More »

Lunes, Mayo 25, 2026

 2,114 total views

 2,114 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14 Salmo 87, 1-2. 3. at

Read More »

Linggo, Mayo 24, 2026

 1,891 total views

 1,891 total views Linggo ng Pentekostes (A) Mga Gawa 2, 1-11 Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34 Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong

Read More »

Sabado, Mayo 23, 2026

 1,140 total views

 1,140 total views Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 28, 16-20. 30-31 Salmo 10, 4. 5. at 7 Poon, ang mga mabuti

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top