Miyerkules, Abril 16, 2025

SHARE THE TRUTH

 7,134 total reads

Miyerkules Santo

Isaias 50, 4-9a
Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Mateo 26, 14-25

Wednesday of Holy Week (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 50, 4-9a

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ang Makapangyarihang Panginoon,
ang nagturo sa akin ng sasabihin ko,
para tulungan ang mahihina.
Tuwing umaga’y
nananabik akong malaman
kung ano ang ituturo niya sa akin.
Binigyan niya ako ng pang-unawa,
hindi ako naghimagsik ni tumalikod sa kanya.
Hindi ako tumutol
nang bugbugin nila ako,
hindi ako kumibo
nang ako’y kanilang insultuhin.
Pinabayaan ko silang bunutin
ang buhok ko’t balbas,
gayun din nang lurhan nila ako sa mukha.
Ang mga pagdustang ginawa nila’y
di ko pinapansin,
pagkat ang Makapangyarihang Panginoon,
ang tumutulong sa akin.
Handa akong magtiis
pagkat aking batid
na ang sarili ko’y di mapapahiya.
Ang Diyos ay malapit
at siya ang magpapatunay na wala akong sala.
May mangangahas bang maghabla sa akin?
Magharap kami sa hukuman,
at ilahad ang kanyang bintang.
Ang Panginoon mismo ang magtatanggol sa akin.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

“Dahilan sa iyo, ako’y inaglahi,
napahiyang lubos sa pagkaunsiyami.
Sa mga kapatid parang ako’y iba,
kasambahay ko na’y di ako kilala.
Ang pagmamahal ko sa banal mong templo,
matinding-matindi sa kalooban ko;
sa akin bumagsak, paghamak sa iyo.

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Kaya naman ako’y wala nang magawa;
ang inasahan kong habag ay nawala,
ni walang umaliw sa buhay kong aba.
Sa halip na pagkain, nang ako’y magutom,
ang dulot sa aki’y mabagsik na lason.
Suka at di tubig ang ipinainom.

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Pupurihin ang Diyos, aking aawitan,
dadakilain ko’t pasasalamatan.
Kung makita ito niyong mga dukha,
sila ay sasamba sa laki ng tuwa.
Dinirinig ng Diyos ang may kailangan,
lingkod na bilanggo’y di nalilimutan.

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

Nagpupuri kami sa ‘yo,
Hari naming Hesukristo,
ang pagdamay mo sa tao
ay talagang patotoo
na kami’y minamahal mo.

o kaya:

Nagpupuri kami sa ‘yo,
Hari naming Hesukristo,
masunurin kang Kordero,
sa katubusan ng tao
hain sa krus ang buhay mo.

MABUTING BALITA
Mateo 26, 14-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong saserdote. “Ano po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Hesus?” tanong niya. Noon din ay binilangan nila siya ng tatlumpung salaping pilak. Mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataon upang maipagkanulo si Hesus.

Dumating ang unang araw ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura. Lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, “Saan po ninyo ibig na ipaghanda namin kayo ng Hapunang Pampaskuwa?” Sumagot siya, “Pumunta kayo sa lungsod at hanapin ninyo ang taong ito. Sabihin sa kanyang ganito ang ipinasasabi ng Guro: ‘Malapit na ang aking oras. Ako at ang mga alagad ko’y sa bahay mo kakain ng Hapunang Pampaskuwa.’” Sinunod ng mga alagad ang utos ni Hesus, at inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa.

Nang gabing yaon, dumulog sa hapag si Hesus, kasama ang labindalawang alagad. Samantalang sila’y kumakain, nangusap si Hesus, “Sinasabi ko: isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.” Nanlumo ang mga alagad, at isa’t isa’y nagtanong sa kanya, “Ako po ba, Panginoon?” Sumagot siya, “Ang kasabay kong sumawsaw sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin. Papanaw ang Anak ng Tao, ayon sa nasusulat, ngunit sa aba ng magkakanulo sa kanya! Mabuti pang hindi na ipinanganak ang taong iyon.” Si Judas, na magkakanulo sa kanya, ay nagtanong din, “Guro, ako po ba?” Sumagot si Hesus, “Ikaw na ang nagsabi.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Miyerkules Santo

Habang nalalapit tayo sa Biyernes Santo, taglay ang pagtitiwala sa ating mapagmahal na Diyos, alalahanin natin ang mapanligtas na gawain ni Kristo na kanyang Lingkod.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, basbasan Mo kami sa dugo ni Kristo.

Ang mga nagdaranas ng hindi makatarungang pagdurusa nawa’y magtamasa ng pagpapaginhawa ng Panginoon sa pamamagitan ng kanilang malinis na budhi, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga sariling pagdurusa nawa’y magpalago ng ating pananampalataya sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kasama natin na nagpapaliban ng kanilang pangungumpisal bunga ng pagmamalaki, takot o katamaran, nawa’y maging bukas ang isip sa pangangailangan sa kapatawaran ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at lahat ng nagdurusa nawa’y makaranas ng nakapagpapagaling na presensya ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makabahagi sa Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, ibinigay mo sa amin ang halimbawa ng iyong Anak upang ipakita sa amin kung paano mabuhay at mamatay. Nawa ay pagkalooban mo kami ng pananampalatayang kailangan namin upang makasunod sa kanya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

LUNDAG-LINYA

 567 total reads

Homiliya para sa Martes sa Ika-25 Linggo ng Karaniwang Panahon, 22 Setyembre 2026, Lucas 8:19–21

Naranasan na ba ninyo na nakapila kayo, tapos biglang may sumingit? Sa English, ang tawag diyan ay jumping the line. Lalo pang sasama ang loob ninyo kung ang sumingit ay iyong taong feeling entitled, dahil malakas daw siya sa taong pinipilahan. Walang pakundangan sa mga nagpasensya at nagtiyagang pumila.

Parang ganiyan ang sitwasyon sa ating Ebanghelyo ngayon. Dumating ang nanay at mga kapatid ni Hesus habang abala siya sa pagtuturo sa maraming tao. Hindi sila makalapit dahil sa dami ng tao. Kaya may nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid. Gusto po nilang makipagkita sa inyo.”

Medyo kakaiba ang Ebanghelyong ito dahil parang hindi gaanong positibo ang paglalarawan sa pamilya ni Hesus.

Pero linawin muna natin: kapag sinabi ng Ebanghelyo na mga kapatid ni Hesus, hindi ito nangangahulugang may iba pang anak si Mama Mary. Ang salitang Griyego na adelphos ay maaaring tumukoy sa mas malawak na ugnayang pampamilya. Maaaring mga pinsan o iba pang malapit na kamag-anak. May tradisyon din na maaaring mga anak sila ni Jose sa una niyang asawa, kung siya ay nabiyudo bago naging asawa ni Maria. (May tradisyon pero walang matibay na batayan sa kasaysayan.)

Pero ang punto ng Ebanghelyo ay ito: dahil kamag-anak sila ni Hesus, parang inaasahan nilang bibigyan sila ng espesyal na pagtrato. Hindi lang sila sumisingit sa pila. Parang sinasabi pa nila, “Sabihin ninyo kay Hesus na lumabas siya at puntahan kami. Kamag-anak niya kami!”

Kaya maintindihan natin ang naging sagot ni Hesus: “Ang aking ina at mga kapatid ay yaong mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito.”

Hindi naman niya itinatakwil ang kanyang ina at mga kamag-anak. Ang ipinakikilala niya ay isang bagong uri ng pagkakamag-anak, isang bagong pamilya na ang pundasyon ay hindi lamang dugo kundi ang pagiging magkakapatid bilang mga anak ng Diyos.

At dito, walang puwedeng mag-claim ng special privilege dahil lamang sa relasyon niya sa Panginoon.

Hindi sapat na sabihin nating, “Katoliko ako. Binyagan ako. Nagsisimba ako. Malapit ako sa mga pari at obispo.” Hindi rin sapat na sabihing, “Marami akong kilalang madre at pari. May kamag-anak pa nga akong obispo!”

Ang tanong ng Panginoon ay hindi kung gaano karami ang kakilala mo sa Simbahan, kundi kung gaano mo isinasabuhay ang kanyang salita.

Kaya ang tunay na pagiging kapamilya ni Hesus ay hindi lamang nakasalig sa binyag, kundi sa pakikinig at pagtupad sa salita ng Diyos.

At sino ang pinakamagandang halimbawa nito? Walang iba kundi ang kanyang sariling ina, si Maria. Siya ang unang nakinig, naniwala, at tumupad sa salita ng Diyos nang sabihin niya, “Mangyari nawa sa akin ang ayon sa iyong salita.”

Ito lang ang punto: sa pamilya ng Diyos, hindi kailangang sumingit sa pila. Walang palakasan. Walang special treatment. Bukas ang kanyang puso sa lahat ng handang makinig at tumupad sa kanyang salita.

At ang magandang balita: tayong lahat ay inaanyayahan niyang maging tunay na mga kapatid at kapamilya niya.

When is enough really enough?

 717 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday, Twenty-Fifth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Padre Pio of Pietrelcina, 23 September 2026
Proverbs 30:5-9     <*((((><  +  ><))))*>     Luke 9:1-6
Photo by Pixabay on Pexels.com
Your words today,
dear God our Father
are so comforting and 
reassuring of your loving
presence; however, 
you teach us also too
to completely trust you
so that we may be comforted
and reassured,
thereby learn
when enough is
really enough.

Two things I ask of you, deny them not to me before I die: Put falsehood and lying far from me, give me neither poverty nor riches; provide me only with the food I need; lest, being full, I deny you, saying, “Who is the Lord?” Or, being in want, I steal, and profane the name of my God (Proverbs 30:7-9).

Teach me to be content
with whatever there is for me,
not desiring more than I need
so that I remain open for you
and your work,
for you O Lord is more than enough; 
teach me to learn to stop
in pursuing whatever
I set my eyes or heart on when 
it is causing more harm than 
joy and wellness for it is only
in following you enough is enough; 
teach me, Lord, 
to be like St. Padre Pio
in leading a simple life, 
just praying, 
hoping and not worrying
for you O Lord is more than
enough.
Amen.

PAR EXCELLENCE

 658 total reads

Gospel Reading for September 23, 2026 – Luke 9: 1-6

PAR EXCELLENCE

Jesus summoned the Twelve and gave them power and authority over all demons and to cure diseases, and he sent them to proclaim the Kingdom of God and to heal the sick. He said to them, “Take nothing for the journey, neither walking stick, nor sack, nor food, nor money, and let no one take a second tunic. Whatever house you enter, stay there and leave from there. And as for those who do not welcome you, when you leave that town, shake the dust from your feet in testimony against them.”

Then they set out and went from village to village proclaiming the Good News and curing diseases everywhere.

————

Jesus was truly a teacher PAR EXCELLENCE. He did not just teach the disciples in theory; he sent them on practicum. But even more than that, he had already given them the gift and the authority to do what he himself was doing for the people.

For some teachers, theory may be enough. When the school year ends, the students can practice what they have learned. But what Jesus was doing was far more than teaching a lesson. He was entrusting the disciples with a mission. That is why he was so hands-on in preparing them.

Imagine if we were among the disciples of Jesus. How privileged they were to have the Son of God as their professor! Every “nook and cranny” was covered. He made sure they were fully prepared. He made sure that what the Father had planned for them would be accomplished.

As baptized Christians, we are all called to share our gifts in Christ’s salvific mission. It did not end with the apostles. It continues to this very day through us.

Lord Jesus, may the way we live our lives according to your teachings be our best teaching tool ever. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 8,384 total reads

 8,384 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 41,718 total reads

 41,718 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 73,864 total reads

 73,864 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 139,920 total reads

 139,920 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 158,612 total reads

 158,612 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Setyembre 25, 2026

 827 total reads

 827 total reads Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mangangaral 3, 1-11 Salmo 143, 1a at 2abk. 3-4 Ang Poon ay papurihan, siya ang

Read More »

Huwebes, Setyembre 24, 2026

 2,535 total reads

 2,535 total reads Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mangangaral 1, 2-11 Salmo 89, 3-4. 5-6. 12-13. 14 at 17 Poon, amin kang tahanan

Read More »

Miyerkules, Setyembre 23, 2026

 4,221 total reads

 4,221 total reads Paggunita kay San Pio ng Pietrelcina, pari Kawikaan 30, 5-9 Salmo 118. 29. 72. 89. 101. 104. 163 Salita mo’y aking tanglaw, patnubay

Read More »

Martes, Setyembre 22, 2026

 5,598 total reads

 5,598 total reads Martes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Kawikaan 21, 1-6. 10-13 Salmo 118, 1. 27. 30. 34. 35. 44 Sa pagsunod sa

Read More »

Lunes, Setyembre 21, 2026

 6,568 total reads

 6,568 total reads Kapistahan ni Apostol San Mateo, manunulat ng Mabuting Balita Efeso 4, 1-7. 11-13 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top