Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag katakutan ang mga nangyayari sa paligid- Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,150 total views

Pinaalalahanan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na huwag katakutan ang mga pangyayari sa paligid bagkus ay magbuklod sa paglalakbay bilang kristiyanong pamayanan. Ito ang mensahe ng arsobispo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon kung saan tinuran nito ang iba’t ibang usaping nakakaapekto sa tao tulad ng usapin sa pulitika, ekonomiya, edukasyon, ang mabilis na pag-usbong ng teknolohiya gaya ng Artificial Intelligence, at ang laganap na fake news lalo na sa digital spaces.

Batid ni Cardinal Advincula na malaking hamon ang mga pangyayari sa paligid sa tao at sa pagiging kristiyano subalit nawa’y isaisapuso at isaisip ng bawat isa ang dakilang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapakasakit, pagkamatay at
muling pagkabuhay ni Hesus sa krus.
“Being shaken” should not terrify us. Being a “community of the shaken” can lead us to become a “community of synodality and solidarity.” We do not give in to panic or rage. We journey together with courage and patience. We stand firmly on our anchor and strong foundation. The Lord lives,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.
Iginiit ni Cardinal Advincula na ang Muling Pagkabuhay ng Panginoon ang pag-asang inaasam ng lahat lalo na ang mga pinanghihinaan at nahaharap sa matinding pagsubok sa buhay. Binigyang diin ng arsobispo na ang pagtatagumpay ni Hesus sa krus ay tanda ng pagtatagumpay ng sangkatauhan mula sa kasalanan kaya’t nararapat na hindi mangangamba ang tao.

“The Risen Lord has conquered all. No trouble will overwhelm us. No trial will break us. We will never grow tired of proclaiming this most important message of our Christian faith: Christ is alive. He has overcome death. He walks with us
today. He brings light to our troubled lives. He takes away our fears of an unpredictable future. He guides us in our perilous journey in a volatile, uncertain, complex, and ambiguous world,” ani Cardinal Advincula.

Sa pagdiriwang ng simbahang katolika ng Taon ng Hubileyo na nakatuon sa temang ‘Pilgrims of Hope’ umaasa si Cardinal Advincula na ituon ng mananampalataya ang kanilang sarili kay Hesus na muling nabuhay sapagkat ito ang tunay na tanda
ng pag-asa ng sanlibutan. Pinangunahan ng cardinal ang Bihilya sa Muling Pagkabuhay ni Hesus sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral o Manila Cathedral kasama sina cathedral rector Msgr. Rolando dela Cruz, Fr. Vicente Gabriel Bautista at mga bisitang pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 9,209 total views

 9,209 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 76,697 total views

 76,697 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 97,762 total views

 97,762 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 120,500 total views

 120,500 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 157,414 total views

 157,414 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top