House Speaker, nakiramay sa pagpanaw ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,029 total reads

Nakikiramay si Speaker Martin Romualdez sa buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis, na aniya’y nagsisilbi bilang tanglaw ng habag at kababaang-loob.

Ayon sa mambabatas, ang presensya ng Santo Papa ay nagbigay ng pag-asa at kagalingan sa milyun-milyong tao, lalo na sa mga Pilipino na tinawag siya bilang “Lolo Kiko.”

Binigyang-diin ni Romualdez ang ginampanan ni Pope Francis bilang huwaran ng tunay na pinunong tagapaglingkod—lumalapit sa mahihirap, maysakit, at mga naaapi, at hindi lamang nagdarasal kundi kumikilos para tumulong.

Inalala rin ng mambabatas ang naging pagbisita ni Pope Francis sa Tacloban noong Enero 2015, matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Yolanda.

“To us, he was more than a Pope. He was a father, a friend, a guiding light in times of darkness. I will never forget how he came to Tacloban in the aftermath of Typhoon Yolanda, when our people were suffering beyond words,” ayon kay Romualdez.

Dagdag pa ng- mambabatas: “He braved the storm, stood with us in the rain, and spoke not just as a leader of the Church, but as someone who truly felt our pain. His presence alone gave us strength. His words reminded us that even in loss, we were not alone. That God had not abandoned us.”

Sa kabila ng masamang panahon, pinangunahan ng Santo Papa ang misa sa Palo, Leyte upang personal na damayan at dasalan ang libu-libong nawalan ng tirahan at mahal sa buhay. Ang kanyang presensya ay naging simbolo ng pag-asa at paghilom para sa mga nasalanta.

Dagdag pa ng mambabatas, ang pagpanaw ng Santo Papa ay isang malaking na kawalan hindi lamang sa Simbahang Katolika kundi sa buong sangkatauhan.

Sa huli, nagpasalamat si Romualdez sa pagmamahal at tiwala ng Santo Papa sa sambayanang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 102,128 total reads

 102,128 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 133,857 total reads

 133,857 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 235,682 total reads

 235,682 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 276,242 total reads

 276,242 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 292,357 total reads

 292,357 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top