Kahirapan, dahilan ng mga sunog sa Metro Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 571 total reads

Naniniwala si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na ang kahirapan at kawalan ng maayos na tirahan ang pangunahing dahilan sa mga nagaganap na sunog partikular na sa Metro Manila.

Ayon kay Bishop David, ang laganap na kahirapan at kawalan ng programa para sa mga informal settlers ang tunay na problema na nagreresulta ng mga hindi maiwasang trahedya sa mga “slum area” gaya ng pagkakaroon ng sunog.

Giit ng Obispo kung tunay na umuunlad ang bansa ay dapat maramdaman ito ng mga pinakamahihirap na sektor ng lipunan kung saan sa pamamagitan ng mga programa tulad ng maayos na pabahay.

“Nakakalungkot na paulit-ulit na lang ‘to. Talagang napaka-helpless natin pagdating sa mga homeless urban poor kasi the real issue dito is homelessness hindi magiging mga informal settlers ang mga kababayan natin kung meron tayong talagang isang mabuting pabahay para sa mga dukha and it’s about time na patunayan natin na talagang umuunlad ang ating bansa kung umuunlad ang ating bansa sana umunlad na din ang mga dukha.” pahayag ni Bishop David sa panayam ng Veritas 846.

Magugunitang kamakailan lamang ay nasa 700 pamilya ang nasunugan sa may Catmon,Malabon habang nasa 3,000 pamilya naman ang nasunugan sa Parola Compound, Tondo, Maynila.

Umaasa si Bishop David na bibigyan pansin ng pamahalaan ang suliranin sa kahirapan at kawalan ng maayos na pabahay para sa mga mahihirap higit sa ginagawa nitong kampanya laban sa ilegal na droga.

“Kaya sana more essential than the war in illegal drugs is the war against poverty kasi yun ang gusto ko makita na pangunahan talaga ng ating gobyerno at kapag pinangunahan nila yun susuporta kami kasi sino bang ayaw na mapabuti ang kalagayan ng mga dukha.”dagdag pa ng Obispo ng Diocese ng Kalookan.

Sa datos ng SWS tinatayang nasa 10 milyong pilipino ang itinuturing ang kanilang mga sarili na mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 23,820 total reads

 23,820 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 57,897 total reads

 57,897 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 94,380 total reads

 94,380 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 112,591 total reads

 112,591 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 195,658 total reads

 195,658 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 101,211 total reads

 101,211 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top