174 total views
May pananagutan ang paaralan at ang bus operator sa Tanay bus accident na ikinasawi ng 14 na estudyante at driver.
Nilinaw ni Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuters Safety and Protection sa programang Veritas Pilipinas na ang prangkisa ng Bus operator sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ay tourist bus.
Sinabi ni Inton na malinaw na may pananagutan ang Bus operator dahil hindi dapat ginamit sa field trip ng mga estudyante ang tourist bus.
Inihayag ni Inton na titingnan nila kung may concession at passenger insurance ang bus na naaksidente.
Ang passenger insurance ang sasagot sa danyos ng mga biktima ng aksidente.
Pinapaimbestigahan din nito sa Commission on Higher Education kung legal at lehitimo ang field trip ng mga estudyante para malaman ng publiko ang pananagutan ng Bestlink College of the Philippines.
Lumalabas sa ulat na inirereklamo ng mga magulang na hindi field trip kundi isang school requirements ang tour ng mga estudyante.
Dakong 8:45 ng umaga ika-20 ng Pebrero, 2017 nang maaksidente sa Sitio Bayucal, Barangay Sampaloc,Tanay, Rizal ang isang bus ng Panda Coach na may plakang TXS-325 lulan ang 50-estudyante.