Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 98,969 total reads

Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan?

Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng senior citizen na PWD ang pinag-tripan ng kanyang lalaking apo habang nagtatawanan ang iba niyang kasama. Nangyari ito sa Antipolo, Rizal. Gamit ang tuhod niya, inangat-baba ng lalaking apo ang kanyang lola habang hawak niya siya sa magkabilang braso. Bagamat hindi nagsalita ang lola, makikitang nasaktan siya noong maglakad siya palayo nang mabagal at hawak ang kanyang braso. Inireklamo sa barangay ng pamangkin ng lolang PWD ang ginawa ng lalaki. Napag-alaman ding madalas itong mangyari, dahil nakasanayan na daw ng lalaking apo na makipaglaro sa kanyang lola, pero ngayon lang ito nakuhanan ng video. Para sa nagreklamong kaanak, hindi na ito laro o biro lamang dahil makikitang nasaktan ang lolang PWD.

Wala pang isang linggo, isang video ng isang babaeng PWD sa Pasig ang nag-viral. Sa video, sinabi niya na walang suportang ibinibigay ang kasalukuyang mayor ng Pasig sa mga PWD, kaya ang kalaban ng alkalde daw ang kanyang iboboto. Nadismaya ang pamangkin ng PWD sa video. Aniya, offensive ang nangyari dahil sinamantala ang kahinaan ng kanyang tiyahin para gamitin sa pamumulitika. Sabi naman ng nanay ng PWD, distressed o nababahala ang kanyang anak ngayon dahil sa nangyari. Hindi raw kasi alam ng PWD na ito ay ipo-post. Nagpunta lamang siya sa kabilang barangay upang makakuha ng libreng bigas mula sa isang tumatakbong kandidato, at sinabihang kailangan siyang kunan ng video bago umuwi.

Nakasaad sa Magna Carta for Disabled Persons na bawal kutyain at gawing katatawanan ang mga PWD. Sakop din ang mga PWD ng Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na nagbabawal sa pananamantala ng kanilang kondisyon. Sa dalawang batas na ito, binibigyang-halaga ang pagkakaroon ng isang lipunan kung saan makapamumuhay ang mga PWD nang malaya at may dignidad. Kabilang dito ang pagrespeto sa kanilang mga karapatan at pagbibigay sa kanila ng mga oportunidad upang mapabuti ang kanilang mga sarili.

Sabi nga ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, hindi lang dapat pag-aalaga sa mga PWD ang ating inaalala, kundi pati ang pagtiyak sa kanilang aktibong partisipasyon sa kanilang pamayanan. Ibig sabihin, hindi natin dapat tingnan ang mga PWD bilang mga passive recipients o tagatanggap lamang ng ating habag at tulong. Sila dapat ay tinatrato bilang mga taong may likas na halaga at kakayanang mag-ambag sa lipunan.

Makikita natin itong nangyari sa kuwento ni Bartimeo sa Ebanghelyo ni San Marcos. Nang mapansin ni Hesus ang bulag na si Bartimeo, pinalapit Niya siya at tinanong, “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” Sumagot si Bartimeo, “Guro, gusto ko pong makakitang muli.” Bagamat obvious naman ang pagiging bulag ni Bartimeo, binigyan pa rin siya ni Hesus ng pagkakátaóng sabihin ang kanyang pangangailangan, isang aksyong nagbigay-dignidad kay Bartimeo bilang isang tao.

Mga Kapanalig, gaya ng ginawa ni Hesus kay Bartimeo, bigyang-lakas natin ang ating mga kapatid na PWD. Hindi sila dapat pagsamantalahan, gawing katatawanan, o tingnan lamang bilang mga alagain na walang kakayahang mag-isip. Hindi sila manhid o mangmang. Karapat-dapat na sila ay makita at irespeto bilang mga indibidwal na may dignidad at may mga karapatan, kasabay ng ating pagiging sensitibo sa kanilang mga pangangailangan.

Sumainyo ang katotohanan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 30,258 total reads

 30,258 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 19,187 total reads

 19,187 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 55,747 total reads

 55,747 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 157,570 total reads

 157,570 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 198,128 total reads

 198,128 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 217,955 total reads

 217,955 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 19,188 total reads

 19,188 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 55,748 total reads

 55,748 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 157,571 total reads

 157,571 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 198,129 total reads

 198,129 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top