Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,651 total reads

Homiliya para sa Linggo ng Palaspas, 13 Abril 2025, Lukas 22-23

Salamat sa Diyos at inalis na ang parusang kamatayan sa ating batas sa Pilipinas. Totoo naman kasi na madalas magamit ang batas laban sa mga taong wala namang kasalanan pero gusto lang gipitin ng mga nasa kapangyarihan. At hindi totoo na epektibo ito bilang paraan ng pagsupil sa kriminalidad sa lipunan. Mas delikado sa lipunan kapag ang mismong mga alagad ng batas ang nagiging instrumento ng kriminalidad, lalo na kapag lumakas ang loob nila na abusuhin ang kapangyarihan, kapag sa tingin nila ay hindi sila mapapanagot ng batas, kapag para sa kanila sila na mismo ang batas o hawak nila ang batas.

Sa kasaysayan ng ating bansa, noong mayroon pang death penalty sa atin, iba’t iba ang paraan ng pagbitay na ginamit ng gobyerno. Noong panahon ng gobyernong kolonyal ng Espanya, garrote ang paraan ng pagbitay, katulad ng ginawa sa tatlong paring sina Padre Gomez, Burgos at Zamora, o firing squad naman tulad ng ginawa sa atin bayaning si Jose Rizal. Noong panahon ng mga Amerikano pagbibigti naman ang paraan ng pagbitay o pagparusang kamatayan. At inabot ko pa noong bata pa ako ang silya elektrika noong martial law, at ang lethal injection noong pagkatapos ng martial law. Natigil nga ito noong 2006, pero nauso naman ang EJK pagkatapos—mga iligal na paraan ng pagbitay pero tahimik na sinang-ayunan ng maraming Pilipino dahil sa paniwala nilang mabisang paraan ito ng pagsupil sa kriminalidad.

May narinig ako noon na mga kuwento ng mga paring chaplain na umalalay sa mga binibitay sa Bilibid. Ang iba daw, dahil sa tindi ng kaba at takot sa nalalapit nilang kamatayan, dinadala pa lang sa lugar kung saan bibitayin, nagwawala na sila at nagsisisigaw, ang iba’y nagsusuka, may naiihi sa pantalon, at merong nababaliw.

Ano ang nakikita nating kakaiba sa kuwento ni San Lukas tungkol sa pagharap ni Hesus sa parusang kamatayan sa krus? Una, kalmado siya; panatag ang loob na humarap sa mga umuusig sa kanya. Pangalawa, nanindigan siya na walang katotohanan ang mga paratang laban sa kanya. Pangatlo, pinigilan niya ang paggamit ng dahas, at pinagaling pa niya ang nasugatan na kampon ng mga umuusig sa kanya. Pang-apat, nagpatawad siya; hindi nagbitiw ng mga banta ng paghihiganti. (Itinuring niya sila bilang hibang o nawawala sa sarili.). At panglima, hanggang sa huling sandali nagbibigay pa rin siya ng pag-asa—katulad ng ginawa niya sa tulisan na katabi niyang nabitay sa kalbaryo.

Pero hindi rin totoong hindi siya natakot. Tao rin siya. Subalit hinarap niya ang takot niya sa gitna ng pananalangin niya sa hardin ng Gethsemani, hanggang sa napalitan ito ng kapanatagan ng loob.

Kapanatagan sa pagharap sa pagsubok—ito ang sinisimbolo ng palaspas na minana lang natin sa bayang Israel mula sa karanasang pinagdaanan nila sa disyerto. Kaya pala naging simbolo din ito ng ating mga bayani at martir sa simbahan. Ginawang tanda at sagisag ng pagbibigay-patotoo, sa matibay na pagyakap at paninindigan sa kalooban ng Diyos. Ito kasi ang larawan na ginamit bilang alaala ng bayang Israel, na sa maraming beses ay natukso ring masiraan ng loob sa paglalakbay nila sa disyerto, matapos na tumakas sa pagkaalipin mula sa Egipto. Ang palaspas ay para bang pampalakas-loob sa kanila na magpatuloy sa paglalakbay, sumulong, huwag umatras, humarap sa init, sa pagod, sa uhaw, sa gutom, sa dusa at kamatayan na walang hinahangad sa puso kundi ang makapasok sa Lupang Pangako.

Ganoon kung umusbong ang PAG-ASA. Na kapag madilim ang paligid, sa kalooban, sa puso at diwa tayo maghahagilap ng liwanag na siyang gagabay sa atin upang magtiyaga at magpunyagi. Ganoon kasi ang totoong mga kuwentong buhay natin—hindi naman laging matamis, maginhawa at masarap ang mga daranasin ng taong nagmamahal. Pero pagmamahal din ang nagpapalakas sa atin para harapin ang anumang pagsubok, pagtitiis, pagdurusa na may pananampalataya at tiwalang hindi tayo nag-iisa.

Sa ganitong paraan lamang natin nabibigyan ng saysay at kahulugan ang mga krus sa buhay natin. Mas masakit daw ang magdusa kapag di natin mabigyan ito ng kahulugan. Ito ang pinakamahalagang aral na kaloob ni Kristo sa atin na mga alagad niya. Siya lang ang makapagtuturo sa atin kung paano mapapagaan ang mabibigat na pasanin. Na kung susunod tayo sa landas ng kalbaryo, matatagpuan natin sa kanyang piling ang hinahon, kapanatagan, at tiwala. Na kung haharapin natin ang ating mga pagdurusa at kamatayan bilang pakikiisa sa kanyang pagdurusa at kamatayan ay mabibigyan natin ito ng kahulugan bilang partisipasyon o pakikilahok sa kanyang misyon ng pagtubos sa mundong nakasangla, misyon ng pagpapalaya mula sa pagkakabihag, ang misyon pag-aalay at pagbibigay-buhay sa ikatatagumpay ng paghahari ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 65,306 total reads

 65,306 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 97,900 total reads

 97,900 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 199,726 total reads

 199,726 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 240,284 total reads

 240,284 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 258,080 total reads

 258,080 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 12,452 total reads

 12,452 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »

THE SAINTS OF FRANCE COME ALIVE

 10,741 total reads

 10,741 total reads One of the most beautiful moments of Pope Leo’s visit to France was the spectacular presentation at the Stade de France, where some

Read More »

FOLLOWING POPE LEO IN FRANCE

 9,710 total reads

 9,710 total reads I have been following with great interest the news and social media posts on Pope Leo XIV’s Apostolic Visit to France. I must

Read More »
Scroll to Top