SLP, nagpahayag ng suporta sa Buhay partylist

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,166 total views

Nagpahayag ng suporta ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa Buhay Party-list para sa 2025 Midterm National and Local Elections.

Ayon kay LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, mahalaga ang pagkakaroon ng mga kinatawan sa Kongreso na tunay na magsusulong sa kasagraduhan ng buhay at pamilyang Pilipino.
Paliwanag ni Padilla, kinakailangan na makapaghalal ng mga mambabatas sa Kongreso na magsisilbing tagapagtanggol ng mga mamamayan mula sa mga panukalang maaring makasira sa pundasyon ng pamilya sa bansa.

Pagbabahagi ni Padilla, tiwala siyang ganap na maisusulong ng mga kinatawan mula sa Buhay Party-list na binubuo nina dating Congressman Lito Atienza, Doc Rene Bullecer at Carlos Sario ang kapakanan ng pamilyang Pilipino sa pagbabalangkas ng mga panibagong batas na tunay na makapagpapabuti sa kapakanan ng mas nakararami o ng common good.

“There are a few bright spots in this 2025 elections. And these bright spots will help us defend faith, family and life! It is with great joy that I endorse BUHAY PARTY-LIST (#63). Why? Every Congress we battle bills that seek to destroy the Filipino family. We need pro-life warriors IN CONGRESS who will stop them right away. I am confident that Cong. Lito Atienza, Doc Rene Bullecer and Carlos Sario will be our voices in Congress, and will make sure to keep the Filipino family protected.” Bahagi ng pahayag ni Padilla.

Partikular na ibinahagi ni Padilla ang pagiging aktibo at kasaping LAIKO ni BUHAY Partylist 2nd nominee – Doc Rene Bullecer na matagal na nagsilbi bilang LAIKO Board at kasalukuyang SLP Vice President for the Visayas na tiyak na kaisa ng Simbahan sa mga paninindigan sa iba’t ibang usaping panlipunan.

“We, in LAIKO, have known Doc Rene Bullecer for a long time. He has been in the LAIKO Board for many year now, and is currently our Vice President for the Visayas. We can vouch for his integrity, passion for service and strength of character.” Dagdag pa ni Padilla.

Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay ang nagsisilbing implementing-arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity (ECLA) na binubuo ng higit sa 50-organisasyon ng mga layko at Council of the Laity mula sa 87-diyosesis sa buong bansa.

Ang mga layko ay ang mga binyagan na hindi naordinahan o kabilang sa mga religious congregation na tinatayang bumubuo sa 99.99% ng mga Katoliko sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 8,958 total views

 8,958 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 52,566 total views

 52,566 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 137,128 total views

 137,128 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 153,716 total views

 153,716 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top