Kinabukasan mo at kapwa ang nakataya sa boto mo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,411 total reads

Binigyang diin ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na ang nakatakdang halalan ay hindi lamang isang simpleng gawaing pulitikal sa halip ay isang mahalagang pagkakataon para sa bawat mamamayan upang iprayoridad ang kapakanan at kinabukasan ng bayan.

Ito ang paalala ng Obispo sa kanyang pastoral kaugnay sa nakatakdang 2025 Midterm National and Local Elections bukas, ika-12 ng Mayo, 2025.

Ayon sa Obispo, dapat na maunawaan ng lahat na ang halalan ay isang pambihirang pagkakataon upang isulong ng bawat mamamayan ang isang lipunan kung saan namamayani ang katarungan, kapayapaan, katotohanan at pagmamalasakitan sa bawat isa.

“As we stand on the threshold of another important moment in our nation’s democratic journey, I address you not only as your shepherd in faith but as a fellow Filipino who shares your hopes for a better tomorrow. Elections are not merely political events—they are moral choices. They are opportunities to shape the kind of society we want to live in, one that reflects justice, truth, and compassion.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Hinikayat din ni Bishop Uy ang bawat botante na manalangin at hingin ang paggabay ng Banal na Espiritu sa kanilang pagpili ng karapat-dapat na ihalal sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.
Paliwanag ng Obispo, kinakailangang gamitin ng bawat isa ang kanilang konsensya at pagnilayan ang gagawing pagpili sa kung sino ang mga katapat-dapat na ihalal upang pamunuan ang iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.

Giit ni Bishop Uy, hindi dapat na magpaapekto ang mga botante sa anumang impluwensya ng mga kandidato lalo na ang mga nagnanais na bumili ng kanilang boto, sapagkat ang eleksyon at kanilang boto ay maituturing ding sagrado at walang katumbas na halaga o presyo.

“Pray and ask the guidance of the Holy Spirit before voting. Do not approach the ballot as a mere civic duty, but as a spiritual one. In prayer, open your heart to God’s wisdom so that you may discern rightly and courageously. Vote according to your conscience and do not allow politicians’ money to influence you. Your vote is not for sale. No amount of cash or short-term favor can ever outweigh the long-term consequences of choosing the wrong leaders. Conscience, formed in truth and faith, must be your guide.” Dagdag pa ni Bishop Uy.

Pagbabahagi ng Obispo, kinakailangang piliin at ihalal ng mga botante ang mga kandidatong may kredibilidad, kakahayan, may puso para mahihirap at kalikasan, at tunay na nagnanais na maglingkod ng tapat ng walang pansariling interes sa posisyon at kapangyarihan.

“Choose candidates who you think are capable, credible, conscientious, and committed to serve, and don’t be swayed by money, popularity, and false promises. Leadership is a sacred trust. Seek those who demonstrate integrity, competence, and a heart for the poor and the environment.” Ayon pa kay Bishop Uy.

Batay sa tala ng COMELEC, aabot sa mahigit 69.6 na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections kung saan kinakailangang maghalal ng mahigit sa 18,200 mga bagong opisyal ng bayan na kinabibilangan ng 12-senador, mga partylist representatives, congressional district representatives, governor, mayor, sangguniang bayan member at iba pa

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 36,572 total reads

 36,572 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 72,351 total reads

 72,351 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 126,185 total reads

 126,185 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 187,935 total reads

 187,935 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 255,675 total reads

 255,675 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SPARK, iginiit ang pagpapatuloy ng BSKE

 3,686 total reads

 3,686 total reads Iginiit ng isang youth group ang pagpapatuloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections, kasunod ng planong pagpapaliban sa halalang pambarangay na nakatakda

Read More »
Scroll to Top