Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 71,746 total views

Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo Papa? Ipupursige ba ng bagong Santo Papa ang pagiging “reformist” ng yumaong Pope Francis? o kaya’y magiging conservative ito kung saan pananatilihin ang orihinal na doktrina at katuruan ng simbahang katolika?

Matapos ang halos 24-oras, lumabas ang putting usok sa Chimney ng Sistine Chapel na indikasyon na mayroon ng napiling ika-267 Pope o Supreme Pontiff ang 133-miyembro ng College of Cardinals na kinabibilangan ni Cardinal Luis Antonio Cardinal Tagle, Jose Cardinal Advincula, at Pablo Virgilio Cardinal David. Wala sa inaasahan ng marami, lumabas sa balcony ng St.Peters Basilica ang bagong Santo Papa sa katauhan ni Cardinal Robert Francis Prevost, dating Cardinal ng Peru at Prior General ng Order of St.Agustine.

Kapanalig, si Pope Leo XIV ba ay conservative o liberal? Ang bagong Santo Papa ay nahaharap sa maraming hamon bilang lider ng mahigit sa 1.4-bilyong Katoliko.

Marami sa ating mga katoliko, mga lider ng bansa, maging hindi mga katoliko ay nag-aabang, binabantayan ang mga hakbang ni Pope Leo XIV., ito ay sa kontrobersiyal na usapin sa role o papel ng mga kababaihan sa simbahang katolika, hindi pa natugugunang problema sa pinansiyal ng Vatican, hindi pa nareresolbang clerical child abuse scandal., ituloy ba o ihinto na ang “synod on synodality”?

Kapanalig, in Pope Leo XIV views: Inamin nito na marami pang gagawin sa Simbahang Katolika (there was still much to do).

Sa kanyang pahayag sa mga Cardinal matapos ang tanggapin ang katungkulan na maging Santo Papa, nanumpa si Pope Leo XIV ng “complete commitment” sa turo ng Second Vatican Council, na gathering ng mga Obispo noong 1962 at 1965 na bumuo ng “blueprint” para sa simbahang katolika.

Ibig sabihin Kapanalig, paiigtingin ni Pope Leo XIV ang pangakong “loving care for the least and the rejected, courageous and trusting dialogue sa secular world kabilang na ang pagtutok sa mga banta at hamon sa human dignity ng Artificial Intelligence.

Binibigyang halaga ng Second Vatican Council ang pagiging”prophetic voice” ng simbahan ng mga marginalized o mga nasa laylayan, mga napabayaan, mga hindi napapansin.

Kung ang yumaong Pope Francis ay para sa “inclusive church”, Ang puso ni Pope Leo XIV ay pagtugon sa social issues at marginalized.. naka-focused ang bagong Santo Papa sa community building.

Sa usapin ng same sex blessings, ordination ng mga babae… ang sagot ni Pope Leo XIV., “In the sense of the need for the Church to open and to be welcoming”.

Kapanalig, tulad ni Pope Francis.. Hindi rin tatangkain ni Pope Leo XIV ang “church doctrine”, ngunit maninindigan ito ng matatag sa usapin ng migration, peace at environment.

Pag-isahin ang “divided church” sa pamamagitan ng pakikipagbati sa mga conservative at liberals ng simbahang Katolika, ang magiging malaking hamon sa bagong Santo Papa, Kapanalig. Kailangan niya ang ating suporta… ang mga dasal.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 19,495 total views

 19,495 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 41,561 total views

 41,561 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 57,257 total views

 57,257 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 65,111 total views

 65,111 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 127,838 total views

 127,838 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

INTELIHENSIYANG POLPOL

 19,496 total views

 19,496 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 41,562 total views

 41,562 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 57,258 total views

 57,258 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 65,112 total views

 65,112 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »
Scroll to Top