Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 72,416 total reads

Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho…

Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig.

Ang nakakadismaya lamang Kapanalig, ang katotohanang ito ay ayaw aminin ng pamahalaan., nang kasalukuyang administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr… Sinasabi ng pamahalaan na walang krisis sa trabaho sa bansa., ang lumalabas na statistics ay dulot lamang ng “schooling at household activities”. Malabnaw na katwiran ito ng pamahalaan., isisi mo ang kawalan ng trabaho sa pag-aaral at pagiging abala sa mga gawaing bahay?

Kapanalig, lumabas sa March 2025 labor force survey (LFS) na 1.1-milyon ang nawalan ng trabaho habang tumaas naman ng 1-milyon ang underemployment sa bansa.

Sinasabi ng IBON foundation na ang bumababang bilang ng employment at mataas na bilang ng underemployment ay indikasyon na hindi pa rin natutugunan sa kasalukuyan ng administrasyong Marcos ang krisis sa trabaho sa Pilipinas.

Iginiit ng IBON na ang resulta ng LFS ay patunay na isinasantabi o hindi inaaksyunan ng administrasyong Marcos ang ugat ng job crisis at naninindigan ang Philippine Statistic Authority na ito ay isang “skills mismatch problem” lamang.

Kapanalig, ang pagbaba ng labor force ng 1.1-milyon mula sa 49.2.milyon noong March 2024 sa 48-milyon ngayong March 2025 ay hindi dapat ipinagkipit balikat lamang ng pamahalaan. Nakakabahala ito!

Ang LFS ay nangangahulugan na ginawa ng maraming Pilipino ang lahat, nagpakahirap sa paghahanap ng trabaho kahit hindi ito akma o naaangkop sa kanilang tinapos na karere sa kolehiyo o college degree… Pero, wala talaga, walang bakanteng trabaho… bagsak sa job interview, nag-aagawan sa isang bakanteng puwesto, mahina o mababa lamang ang job prospect sa job market… ang resulta, nawalan na ng pag-asa, naging “discourage job seekers” na ang milyong Pilipino.

Ang sinasabi ng pamahalaan 69,000 lamang na unemployed ay isang kabalintunaan. Hindi isinama ng pamahalaan sa bilang ang 3.2 million unpaid family workers na nagta-trabaho sa kanilang family-operated farm o negosyo na maituturing na unemployed.

Tinukoy ng IBON na lumalala ang kawalan ng trabaho sa agriculture at industrial sector na pangunahing pinagmumulan ng sustainable jobs. Biruin mo Kapanalig, ang share ng agriculture sa GDP noong 2024 ay nasa 8-percent lamang, pinakababa ito sa kasaysayan ng bansa. Habang ang manufacturing ay 17.6-percent lang din-pinakamababa ding share sa GDP sa nakalipas na 7-dekada. Sa mga sektor na ito ang pinakamaraming nawalan ng trabaho, Kapanalig.

Kapanalig, sa kabila ng kapabayaan ng pamahalaan..nang lipunan., huwag tayong mawalan ng pag-asa… patuloy tayong magpunyagi.

Isaisip natin ang katuruan sa Ecclesiastes 9:10- “Whatever your hand finds to do, do it with your might, for there is no work or thought or knowledge or wisdom in Sheol, to which you are going.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 18,456 total reads

 18,456 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 105,446 total reads

 105,446 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 152,185 total reads

 152,185 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 200,057 total reads

 200,057 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 303,151 total reads

 303,151 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 18,457 total reads

 18,457 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 105,447 total reads

 105,447 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 152,186 total reads

 152,186 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 200,058 total reads

 200,058 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top