Lunes, Hunyo 9, 2025

SHARE THE TRUTH

 5,948 total views

Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan

Genesis 3, 9-15. 20
o kaya Mga Gawa 1, 12-14
Salmo 87, 1-2. 3. at 5, 6-7.
o kaya Judith 13:18bkde. 19

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

o kaya

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

Juan 19, 25-34

Memorial of the Blessed Virgin Mary, Mother of the Church (White)

UNANG PAGBASA
Genesis 3, 9-15. 20

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Pagkakain ni Adan sa bunga ng puno, tinawag siya ng Panginoon at tinanong,
“Saan ka naroon?”
“Natakot po ako nang marinig ko kayong nasa hardin; nagtago po ako sapagkat ako’y hubad,” tugon ng lalaki.
“Sinong may sabi sa iyong hubad ka?” tanong ng Diyos. “Bakit kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?”
“Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin,” tugon ng lalaki.
“Bakit mo naman ginawa iyon?” tanong ng Diyos sa babae.
“Mangyari po’y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain,” tugon naman niya.
At sinabi ng Panginoon sa ahas:
“Sa iyong ginawa’y may parusang dapat,
na tanging ikaw lang yaong magdaranas;
ikaw ay gagapang, ang hatol kong gawad,
at alikabok ang pagkaing dapat.
Kayo ng babae’y laging mag-aaway, binhi mo’t binhi niya’y laging maglalaban.
Ito ang dudurog ng ulo mong iyan, at ang sakong niya’y ikaw ang tutuklaw.”
Eva ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat ito ang ina ng sangkatauhan.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Mga Gawa 1, 12-14

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Pagkaakyat ni Hesus sa langit, ang mga apostol ay nagbalik sa Jerusalem buhat sa Bundok ng mga Olibo, na halos isang kilometro ang layo. Ang mga ito’y sina Pedro, Juan, Santiago, Andres, Felipe, Tomas, Bartolome, Mateo, Santiago na anak ni Alfeo, si Simon, ang Makabayan, at si Judas na anak ni Santiago. Pagdating sa kanilang tinutuluyan sa lungsod, nagtuloy sila sa silid sa itaas. Lagi silang nagsasama-sama sa pananalangin, kasama ang mga babae at si Mariang ina ni Hesus, gayun din ang mga kapatid ni Hesus.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 87, 1-2. 3. at 5, 6-7.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Sa Bundok ng Sion,
itinayo ng Diyos ang banal na lungsod,
ang lungsod na ito’y higit niyang mahal
sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Kaya’t iyong dinggin ang ulat sa iyong mabubuting bagay,
O lungsod ng Diyos.
At tungkol sa Sion, yaong sasabihin’y,
“Ang lahat ng bansa ay masasakupan,
siya’y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.”

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Ang Poon ay gagawa,
ng isang talaan ng lahat ng taong doo’y mamamayan,
ang lahat ng ito ay magsisiawit at pawang sasayaw.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

o kaya:
Judith 13:18bkde. 19

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

Anak, sumasaiyo ang pagpapala ng Diyos na Kataas-taasan.
Higit kang pinagpala kaysa lahat ng babae sa lupa.
Purihin ang Panginoon, ang Diyos na lumalang sa langit at lupa.

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

Ang pananalig sa Diyos na nag-udyok sa iyo
ay hindi na mapaparam sa isip ng mga tao
habang ginugunita nila ang kapangyarihan ng Diyos.

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

ALELUYA

Aleluya, Aleluya!
Birheng Mariang mapalad,
dapat magpuri ang lahat
sa iyo at sa ‘yong Anak.
Aleluya, Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 19, 25-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!” May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, “Naganap na!” Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

Noo’y Araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga sapagkat dakila raw ang araw ng Pamamahingang ito. Kaya’t hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga binti ng mga ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Hesus. Ngunit pagdating nila kay Hesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Hesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan

Manalangin tayo na matularan natin ang halimbawa ni Maria, nang may mababang-loob, puno ng pananampalataya, at laging handang tumupad sa kalooban ng Panginoon. Sa ating bawat panalangin, ang ating itutugon:

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Bilang Bayan ng Diyos, tayo nawa’y sumulong sa ating paglalakbay sa pananampalataya sa ilalim ng paggabay at pagtuturo ng ating kaparian. Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga pinuno ng ating pamahalaan nawa’y gumawa ng lahat ng paraan upang maitaguyod ang kapayapaan at pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga pamilya at pamayanan nawa’y magpahayag ng pasasalamat para sa mga biyayang tinatanggap ng bawat isa at ng lahat. Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Tulad ni Maria, tayo, nawa’y magsikap tayong mag-abot ng tulong sa ating kapwang labis na nangangailangan nito. Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang ating mga yumaong mahal sa buhay nawa’y makaranas ng kaligayahan sa piling ng Panginoon sa kanyang Kaharian. Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Diyos na aming Ama, ipinadarama mo ang iyong pananatili sa aming piling sa kabutihang-loob ng aming mga kapatid. Patuloy nawa naming ipahayag ang iyong pag-ibig sa pamamagitan ng buhay na nauukol sa paglilingkod. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pax Silica

 15,342 total views

Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan ang ating binubuo gamit ang AI—at ano ang magiging kapalit nito? 

Abril ngayong taon nang sumali ang Pilipinas sa Pax Silica, isang inisyatibang pinangungunahan ng Estados Unidos na naglalayong palakasin ang pandaigdigang supply chain para sa AI. Layunin nitong bawasan ang pagdepende sa China, na nangunguna ngayon sa produksyon at pagproseso ng mahahalagang mineral at iba pang materyales na kailangan sa makabagong teknolohiya.

Sa pagsali ng Pilipinas, naglaan ang pamahalaan ng humigit-kumulang 1,620 na ektaryang lupa sa New Clark City sa Tarlac—halos kasinlaki ng Pasay City—para sa kauna-unahang “AI-native industrial acceleration hub.” Doon gagawin ang mga semiconductors na gagamitin naman sa mga computer chips na inilalagay sa mga electronics. Doon din ipoproseso ang mga critical minerals na gagamitin sa paggawa ng mga baterya, semiconductor, at iba pang makabagong teknolohiya. Itatalaga ito bilang isang Economic Security Zone (ESZ) sa ilalim ng joint governance framework na kasalukuyang pang isinasapinal ng Pilipinas at US.

Nitong Hulyo, muling umingay ang usapin tungkol sa Pax Silica matapos ihayag ni Finance Secretary Frederick Go na itinuturing ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton na “top priority” ang inisyatiba. Dahil dito, minamadali na nila ang pagbuo ng naturang joint governance framework. Target ng dalawang panig na maisapinal at maisapubliko ito sa ASEAN Summit sa Nobyembre, na inaaasahang dadaluhan ni US President Donald Trump.

Ayon sa pamahalaan, isang pambihirang pagkakataon ang mapasali sa Pax Silica para makasabay ang Pilipinas sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at AI. Ipinangako rin nitong hindi lamang lilikha ng libu-libong trabaho at magpapasok malaking kita ang inisiyatiba, kundi maghihikayat din ng mas maraming mamumuhunan, kumpanya, at inobasyon.

Ipinaaalala sa Catholic social teaching ni Pope Leo XIV na Magnifica Humanitas na ang paggamit ng AI ay hindi “purely technical” lamang. Kapag ang proseso sa likod ng AI ay negatibo nang nakaaapekto sa ating buhay, lipunan, at kapaligiran, hindi na sumasapat ang anumang pangako na trabaho, pamumuhunan, at inobasyon. 

Pinangangambahan kasi ang negatibong epekto ng mga data centers na kailangan sa AI. Ang mga data centers na nagsisilbing “utak” ng AI ay kailangang palamigin gamit ang hanggang limang milyong galon ng tubig kada araw—katumbas ng pang-araw-araw na pangangailangan ng isang munisipalidad na may 10,000 hanggang 50,000 residente! Siyempre, gagamit din ang mga data centers ng maraming kuryente. Kapos na nga tayo ngayon sa tubig at kuryente, heto at aagawan pa tayo ng mga data centers! Dapat itong linawin ng mga nagsusulong ng Pax Silica. 

Lubos na nakababahala rin ang epekto ng AI sa ating likas na yaman. Pinangangambahang lalawak ang pagmimina ng mga critical minerals na kailangan sa paggawa ng mga teknolohiyang nagpapatakbo sa AI. Marami na sa ating mga kabundukan at kagubatan ang nakalbo dahil sa pagmimina. Ibang usapan pa ang paglawak ng mga minahan sa mga lupang ninuno ng ating mga katutubo. Ano pa ang matitira kung lalo pang lalawak ang mga ito?

Mga Kapanalig, paalala sa atin sa Genesis 2:15 na inilagay ng Panginoong Diyos ang tao sa Eden upang ito ay alagaan at pagyamanin. Hindi ipinagkatiwala sa atin ang kalikasan para ubusin, kundi para pangalagaan para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon. Ang pangangalaga sa sangnilikha ay hindi hadlang sa pag-unlad. Ito pa nga ang nagsisiguro na ang pag-unlad ay makakamit natin. Kaya manindigan tayo para sa isang pag-unlad na may pananagutan sa kalikasan, dahil ang kalikasang winawasak natin ngayon ang siya ring magtatakda ng hangganan ng ating pag-unlad bukas.

Sumainyo ang katotohanan.

SINCE THE BEGINNING

 7,636 total views

Gospel Reading for July 27, 2026 – Matthew 13: 31-35

SINCE THE BEGINNING

Jesus proposed a parable to the crowds. “The Kingdom of heaven is like a mustard seed that a person took and sowed in a field. It is the smallest of all the seeds, yet when full-grown it is the largest of plants. It becomes a large bush, and the ‘birds of the sky come and dwell in its branches.’” He spoke to them another parable. “The Kingdom of heaven is like yeast that a woman took and mixed with three measures of wheat flour until the whole batch was leavened.” All these things Jesus spoke to the crowds in parables. He spoke to them only in parables, to fulfill what had been said through the prophet: I will open my mouth in parables, I will announce what has lain hidden from the foundation of the world.

————

In short, the Kingdom of heaven is certain to grow, even if it begins as small as a mustard seed. Jesus’ words about the Kingdom of heaven give us hope that, despite the evil around us, every good thing we do is never lost. The Kingdom of heaven will never cease, for it has existed SINCE THE BEGINNING—the eternal dwelling place of God.

Let us not waste the time God has given us on things that have no lasting value in heaven. Our journey begins here on earth, but the ultimate goal of every Christian is to reach heaven.

Lord Jesus, help us to bring a foretaste of heaven to earth by living according to your will. Amen.

Intimacy, idolatry

 8,132 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday in the Seventeenth Week of Ordinary Time, Year II, 27 July 2026
Jeremiah 13:1-11     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Matthew 13:31-35
Photo by author, Mt. St. Paul Spirituality Center, La Trinidad, Benguet, June 2017.
How lovely and so practical,
O God,
is your portrayal to us today
of your intimacy with us
like a "linen loincloth":
the most simple and
ordinary part of our clothing
we take for granted
yet so important and crucial
because it is so close,
so intimate to our skin,
to our private parts;
an intimacy we take
for granted because
it is something hidden,
too personal.

But,
do we really care at all?

For, as close as the loincloth clings to a man’s loins, so had I made the whole house of Israel and the whole house of Judah cling to me, says the Lord; to be my people, my renown, my praise, my beauty. But they did not listen (Jeremiah 13:11).

Like that linen loincloth
you asked Jeremiah to hide
and retrieve later from a river,
ending up as "rotted, good for nothing",
we have betrayed you Lord, 
we have abandoned you
to follow our many idols
and false gods by keeping
you in name,
in rituals and rites
yet compromising your
laws and teachings
with the ways of the world;
we pretend to be close
and intimate with you,
Lord while choosing to be
fence-sitters in situations
demanding we make a stand
for you,
for what is true,
for what is good.
True intimacy with you,
O God is found 
in the most private
moments when we
choose you,
when we abide in you,
when we uphold your teachings
and live in your ways
of justice and love,
kindness and mercy
especially with those
closest to us;
may we realize, 
O Lord,
that to whom we are
most intimate
and closest in 
following and imitating
is found our Lord and God.
Or sadly,
our mammon too
for where our treasure is,
there our heart is.
Amen.
Photo by author, St. Michael Retreat House, Antipolo City, 16 June 2026.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pax Silica

 15,343 total views

 15,343 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More »

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 57,880 total views

 57,880 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte

Read More »

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 173,227 total views

 173,227 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 201,521 total views

 201,521 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 246,749 total views

 246,749 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hulyo 30, 2026

 953 total views

 953 total views Huwebes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Crisologo, obispo at pantas ng Simbahan Jeremias 18, 1-6 Salmo

Read More »

Miyerkules, Hulyo 29, 2026

 2,755 total views

 2,755 total views Paggunita kina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro 1 Juan 4, 7-16 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9. 10-11. Palagi kong pupurihin

Read More »

Martes, Hulyo 28, 2026

 4,579 total views

 4,579 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 5,826 total views

 5,826 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 6,705 total views

 6,705 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top