Martes, Hunyo 10, 2025

SHARE THE TRUTH

 6,756 total views

Martes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

2 Corinto 1, 18-22
Salmo 118, 129. 130. 131. 132. 133. 135

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Mateo 5, 13-16

Tuesday of the Tenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 1, 18-22

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, kung paanong ang Diyos ay tapat, gayun din ang salita ko sa inyo: ang “Oo” ngayon ay mananatiling “Oo.” Ang Anak ng Diyos, si Hesukristo na ipinangaral namin nina Silvano at Timoteo ay hindi “Oo” ngayon at pagkatapos ay “Hindi.” Siya’y nananatiling “Oo,” sapagkat siya ang katuparan ng lahat ng pangako ng Diyos. Dahil sa kanya, nakasasagot tayo ng “Amen” sa ikaluluwalhati ng Diyos. Ang Diyos ang nagpatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Kristo, at siya rin ang humirang sa amin. Tinatakan niya kami at pinagkalooban ng kanyang Espiritu, bilang katunayang tutuparin niya ang kanyang pangako.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 129. 130. 131. 132. 133. 135

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Lubos akong humahanga sa bigay mong mga turo,
iya’y aking iingata’t susundin nang buong puso.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Ang liwanag ng turo mo’y nagsisilbing isang tanglaw,
nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Halos humihingal ako dahilan sa kasabikan,
na matamo yaong aking minimithing kautusan.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Ako’y iyong kahabagan, ngayon ako ay lingunin,
at sa mga taong tapat, iparis mo ang pagtingin.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Sang-ayon sa pangako mo, h’wag mo akong babayaang
mahulog sa gawang lisya at ugaling mahahalay.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Sa buhay ko’y tumanglaw ka at ako ay pagpalain,
at ang iyong mga utos ay ituro mo sa akin.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

ALELUYA
Mateo 5, 16

Aleluya! Aleluya!
Dapat kayong magliwanag
nang kabutiha’y mahayag
at D’yos ang s’yang matanyag.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 5, 13-16

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kayo’y asin sa sanlibutan. Kung mawalan ng alat ang asin, paano pang mapananauli ang alat nito? Wala na itong kabuluhan, kaya’t itinatapon na lamang at niyayapakan ng mga tao.

“Kayo’y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol. Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalagay ito sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayun din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikasampung Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Manalangin tayo sa Diyos, ang Ama ng liwanag upang maging tapat tayo sa ating misyon na maging ilaw at asin ng sanlibutan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng kabutihan, panatilihin mo kami.

Ang Simbahan nawa’y ipakita ang kapangyarihan at ningning ng Espiritu sa lahat ng naghahangad ng katotohanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lalaki at babae na pinagkatiwalaang magpasya para sa ikauunlad ng mga tao, nawa’y maliwanagan ng kinang ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo, na tinatawag na maging asin at liwanag ng sanlibutan, nawa’y maging daluyan ng pag-asa at ginhawa ng ating kapwa tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga may alalahanin, at mga sawing puso nawa’y matagpuan ang liwanag ni Kristo sa pamamagitan ng paglilingkod ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y sikatan ng walang hanggang liwanag, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, habang ipinapanalangin namin ang aming kapwa, hinihiling namin na tulungan mo kaming magliwanag sa kanilang paningin nang sa gayon kanilang purihin ang iyong kabutihan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 12,043 total views

 12,043 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 185,977 total views

 185,977 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 163,610 total views

 163,610 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 227,360 total views

 227,360 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 246,280 total views

 246,280 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Mayo 27, 2026

 1,020 total views

 1,020 total views Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo 1 Pedro 1, 18-25 Salmo 147, 12-13.

Read More »

Martes, Mayo 26, 2026

 2,677 total views

 2,677 total views Paggunita kay San Felipe Neri, pari 1 Pedro 1, 10-16 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog

Read More »

Lunes, Mayo 25, 2026

 2,677 total views

 2,677 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14 Salmo 87, 1-2. 3. at

Read More »

Linggo, Mayo 24, 2026

 2,277 total views

 2,277 total views Linggo ng Pentekostes (A) Mga Gawa 2, 1-11 Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34 Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong

Read More »

Sabado, Mayo 23, 2026

 1,526 total views

 1,526 total views Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 28, 16-20. 30-31 Salmo 10, 4. 5. at 7 Poon, ang mga mabuti

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top