Isantabi ang political interest sa impeachment trial ni VP Duterte, hamon sa mga Senador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,214 total reads

Panawagan sa nalalapit na impeachment trial ni VP Duterte: Ituon sa kapakanan ng bayan, hindi sa interes ng pulitika.
Nanawagan ang isang opisyal ng simbahan sa mga mambabatas na panatilihing nakatuon ang kanilang pananaw sa kapakanan ng sambayanan sa gitna ng nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Committee on Public Affairs, sa halip na pansariling interes, bigyang pagpapahalaga ang kung ano ang makakabuti sa bayan.
Nangangamba ang pari na hindi hindi makamit ang buong katotohanan mula sa prosesong ito, dahil sa nangingibabaw na pansariling interes ng mga nasa kapangyarihan.

“Malabong malaman din ng taong-bayan ang buong katotohanan dahil politiko ang pinapanigan dito at hindi ang kung ano ang makabubuti sa bayan,” ayon kay Fr. Secillano.

Ayon pa sa pari, malinaw na bago pa man magsimula ang impeachment proceedings, hati na ang bayan at may ideya na rin ang publiko kung sino sa mga senador ang papanig at sino ang hindi. “Bago pa man mag-simula ang impeachment, hindi na rin lingid sa taong-bayan kung sino sa mga senador ang susuporta sa bise presidente at kung sino ang hindi.”

Sa gitna ng patuloy na tensyon sa larangan ng pulitika, nanawagan si Fr. Secillano ng higit na pananagutan, katapatan, at integridad mula sa mga lider ng bayan.

Giit pa ng pari, mahalagang tiyakin na ang mga desisyong ginagawa sa loob ng Kongreso at Senado ay para sa ikabubuti ng bansa, at hindi para sa kapakinabangan ng iilan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 17,684 total reads

 17,684 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 98,581 total reads

 98,581 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 192,807 total reads

 192,807 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 253,296 total reads

 253,296 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 266,275 total reads

 266,275 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top