Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 64,657 total reads

Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang matinding traffic. Hindi lamang sa kahabaan ng EDSA magkakaroon ng buhol-buhol na daloy ng trapiko kungdi maging sa mga alternate routes na itatakda ng mga otoridad

Ang inaasahang traffic nightmare ay mararanasan sa mga kalsadang dadaanan ng mga motoristang iiwasang dumaan sa EDSA, lalu na kapag isinara ang 60-taong Guadalupe bridge na nag-uugnay sa Makati at Mandaluyong sa darating na Oktubre.

Kapanalig, bukod sa pakiusap na unawain at magtiis sa epekto ng EDSA rehabilitation, tiniyak ng DOTr na nandiyan naman ang MRT 3 at EDSA busway.

Natural, bukod sa mahabang pasenya sa mabagal na usad ng trapiko, magtiis ka na naman sa mahabang pila sa MRT at EDSA busway, tagaktak na naman ang pawis mo bago makasakay ng tren at bus. Ang puno’t-dulo, late ka naman sa trabaho, mga appointments, personal na lakad. Apat na oras o posibleng mahaba pa ang mawawala sa isang mamamayang Pilipino sa loob ng isang araw.

Siguro naman, maaring tingnan ng MMDA., ng iba’t-ibang lokal na pamahalaan, mga transport agency kung paano limitahan ang mga sasakyan sa lansangan… kasama din kung paano mabawasan ang mga commuters na nangangailangan ng transportasyon lalu sa mga regular working days.

Maaring tingnan muli ng MMDA ang kanilang ipinatupad na Odd-even number scheme kasabay ng kasalukuyang number coding.. Sa ilalim ng odd-even scheme, kalahati ng 464,000 na sasakyang gumagamit ng EDSA kada araw ay magiging 232,000 na sasakyan na lamang ang dadaan sa EDSA kada araw.. Sa pagpapatupad nito, maari ding magpatupad ng “work from home” ang iba’t-ibang government agencies at mga pribadong kumpanya.

Kapanalig, kung sama-sama., maaring maibsan hindi man matugunan ang nagbabadyang malaking problema ng mga manggagawa, motorista, mga mamamayan sa matinding trapiko.

Kung hindi magpapatupad ng radical na solusyon ang pamahalaan sa 7.3-bilyong pisong EDSA rehabilitation project ay maaaring hindi matatapos ang proyekto sa loob ng 17-buwan at hindi pa maging ready o tapos ang EDSA rehab sa pagho-host ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) summit sa susunod na taong 2026.

Kapanalig, kailangang ang radikal na solusyon tulad ng odd-even scheme at work from home ng mga manggagawa upang matapos ang EDSA rehab…nararapat magsakripisyo ang lahat., kung natitiis ng mga karaniwang mamamayan ang pumila ng mahaba para makasakay sa gitna ng mainit na panahon., ano ba namang magtiis din ang mga maykaya, mga opisyal ng pamahalaan na hindi gamitin ang kanilang mga mamagarang sasakyan? Sa ganitong paraan, parehas lang…naresolba pa ang problema sa trapiko.

Kapanalig, sinasabi sa Corinthians 1:10 “ I appeal to you, brothers,[a] by the name of our Lord Jesus Christ, that all of you agree, and that there be no divisions among you, but that you be united in the same mind and the same judgment.” Corinthians 12:26 “If one member suffers, all suffer together; if one member is honored, all rejoice together.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 10,100 total reads

 10,100 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 230,718 total reads

 230,718 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 265,391 total reads

 265,391 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 281,291 total reads

 281,291 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 317,066 total reads

 317,066 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagod na pagod

 10,101 total reads

 10,101 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 230,719 total reads

 230,719 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 265,392 total reads

 265,392 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 281,292 total reads

 281,292 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »
Scroll to Top