Sabado, Hunyo 21, 2025

SHARE THE TRUTH

 7,038 total views

Paggunita kay San Luis Gonzaga, namanata sa Diyos

2 Corinto 12, 1-10
Salmo 33, 8-9. 10-11. 12-13

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Mateo 6, 24-34

Memorial of St. Aloysius Gonzaga, Religious (White)

Mga Pagbasa mula
Sabado ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 12, 1-10

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, kailangan kong magmapuri, bagamat wala akong mapapala sa paggawa nito. Ang sasabihin ko naman ngayo’y ang mga pangitain at mga pahayag mula sa Panginoon. May kilala akong isang Kristiyano na dinala sa ikatlong langit, labing-apat na taon na ang nakalilipas. Hindi ko lang matiyak kung yao’y pangitain o tunay na pangyayari — ang Diyos lamang ang nakaaalam. Inuulit ko: siya’y dinala sa Paraiso, at hindi ko nga matiyak kung ito’y pangitain o tunay na pangyayari. Ang Diyos lamang ang nakaaalam. Nakarinig siya roon ng mga bagay na di kayang ilarawan ng salita at di dapat bigkasin ninuman. Ipagmamapuri ko ang taong iyon, ngunit hindi ang aking sarili, maliban sa aking mga kahinaan. At kung ako’y magmapuri man, hindi ako lalabas na hangal, sapagkat totoo ang sasabihin ko. Ngunit nagpipigil ako sapagkat ayaw kong humigit sa nakikita at naririnig ang pagpapalagay ninuman sa akin.

Ngunit para hindi ko ipagyabang ang kamangha-manghang pahayag ng Diyos sa akin, ako’y binigyan ng isang kapansanan sa katawan na nagsisilbing pamalo ni Satanas upang huwag akong magpalalo. Tatlong beses kong idinalangin sa Panginoon na alisin ito, ngunit ganito ang kanyang sagot, “Ang tulong ko’y sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Kaya’t buong galak na ipagmamapuri ko ang aking kahinaan upang palakasin ako ng kapangyarihan ni Kristo. Dahil kay Kristo, walang halaga sa akin kung ako ma’y mahina, kutyain, pahirapan, usigin, at magtiis. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako malakas.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 8-9. 10-11. 12-13

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Anghel yaong bantay sa may takot sa Diyos,
sa mga panganib, sila’y kinukupkop.
Ang galing ng Poon hanaping masikap;
yaong nagtiwala sa kanya’t naligtas
ay maituturing na taong mapalad.

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Matakot sa Poon, kayo, kanyang bayan,
nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay
kahit mga leon ay nagugutom din,
sila’y nagkukulang sa hustong pagkain;
ngunit ang sinumang ang Poon susundin,
sa anumang bagay hindi kukulangin.

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Lapit, ako’y dinggin mga kaibigan
at kayo ngayo’y aking tuturuan
na ang Diyos ay dapat nating katakutan.
Ang buhay masaya at mahabang buhay,
di ba ninyo gustong inyong maranasan?

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

ALELUYA
2 Corinto 8, 9

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay naging dukha
upang tayo’y managana
sa bigay n’yang pagpapala.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 6, 24-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan.

“Kaya’t sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabagabag tungkol sa pagkain at inumin na kailangan ninyo upang mabuhay, o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. Hindi ba’t ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain, at ang katawan kaysa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon: hindi sila naghahasik ni nag-aani o kaya’y nagtitipon sa banga. Gayunman, pinakakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Sino sa inyo ang makapagpapahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?

“At bakit kayo nababagabag tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano sumisibol ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagpapagal ni humahabi man. Ngunit ito ang sasabihin ko sa inyo: maging si Solomon ay hindi nakapagsuot ng kasingganda ng isa sa mga bulaklak na ito, bagamat napakariringal ang mga damit niya. Kung ang mga damo sa kabukiran, na buhay ngayon at kinabukasa’y iginagatong sa kalan, ay dinaramtan ng Diyos, kayo pa kaya? Kay liit ng pananalig ninyo sa kanya! Kaya’t huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakanin, iinumin, o daramtin. Sapagkat ang mga bagay na ito ang kinahuhumalingan ng mga taong wala pang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Ngunit pagsumakitan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo. Kaya, huwag ninyong ikababahala ang para sa araw ng bukas; saka na ninyo harapin kapag ito’y dumating. Sapat na sa bawat araw ang kanyang mga suliranin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-11 Lingo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Tinatawag tayo ng Ebanghelyo na maging tapat sa ating paglilingkod sa Diyos. Ang ating mga panalangin sa Ama nawa’y nagpapahayag ng uri ng ating pagtitiwala at pagmamahal.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, ipinauubaya namin ang aming mga alalalahanin sa Iyo.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y masigasig na italaga ang kanilang mga sarili sa pagpapalaganap ng paghahari ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at nangangailangan nawa’y makadama ng ating pagkalinga at pag-aaruga, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y mamuhay sa ganap na pagsunod sa kalooban ng Diyos at hindi magambala ang ating mga isip sa mga bagay na hindi naman dapat na ipag-alala, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maranasan ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal ng mga nagmamalasakit sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makibahagi sa pagwawagi ni Kristo laban sa kamatayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, kami ay nananalig sa iyo. Huwag nawa naming ituon ang aming puso sa mga bagay ng mundong ito kundi sa iyong mapagmahal na pagpapala. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 1,961 total views

 1,961 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 175,895 total views

 175,895 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 153,528 total views

 153,528 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 217,639 total views

 217,639 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 237,275 total views

 237,275 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Mayo 27, 2026

 76 total views

 76 total views Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo 1 Pedro 1, 18-25 Salmo 147, 12-13.

Read More »

Martes, Mayo 26, 2026

 1,733 total views

 1,733 total views Paggunita kay San Felipe Neri, pari 1 Pedro 1, 10-16 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog

Read More »

Lunes, Mayo 25, 2026

 1,733 total views

 1,733 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14 Salmo 87, 1-2. 3. at

Read More »

Linggo, Mayo 24, 2026

 1,694 total views

 1,694 total views Linggo ng Pentekostes (A) Mga Gawa 2, 1-11 Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34 Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong

Read More »

Sabado, Mayo 23, 2026

 943 total views

 943 total views Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 28, 16-20. 30-31 Salmo 10, 4. 5. at 7 Poon, ang mga mabuti

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top