Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 96,674 total views

Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan Cardinal Pablo Virgilio David sa paglaganap ng online gambling. Nagbabala siya sa isang social media post na kung hahayaan nating mamayagpag ang online gambling, isasakripisyo natin ang isang henerasyon sa altar ng madaling kita.

Noong isang linggo, ang buong CBCP na ang naglabas ng pahayag ukol sa tinawag nitong “moral at panlipunang krisis dahil sa online gambling.”

Ayon sa ating mga obispo, “malalim at malawak na suliraning moral na nakakubli sa anyo ng libangan at teknolohiya” ang online na sugal. Ikinababahala nila na “nagiging sanhi [na] ito ng pagkapahamak ng marami sa ating mga kababayan.” Dagdag pa nila, “ang pagkasugapa sa online gambling ay isang malinaw na anyo ng pagkaalipin.” Idinisenyo raw ang online gambling “para mahuli sa lambat ng pagkagumon sa sugal ang mga tao at malulong sa akala nila’y inosenteng laro at panandaliang aliw lamang.” Binigyang-diin nila ang turo ng ating Simbahan na ang pagsusugal ay mali “kung ito ay nagdudulot ng pagkakulong o pagkaubos ng dapat ay para sa mga pangangailangan ng pamilya.”

Sang-ayon ba kayo sa obserbasyon ng mga pastol ng ating Simbahan? May mga kilala ba kayong tila nagiging alipin at bihag na ng online gambling

Matagal nang bahagi ng kultura nating mga Pilipino ang pagsusugal, at tila hindi natin ito kayang iwan. Salamat sa bagong teknolohiya, naging mas madali pa nga ang pagsusugal. At ito ang lubhang nakababahala. Nalalantad sa ganitong gawain ang mas marami sa atin, kabilang ang kabataan. Ang mga kababayan naman nating mahihirap, nahihikayat pang itaya ang natitira nilang pera para sa tsansang lumaki ito sakaling sila ay manalo. 

Kaya umusad sana ang mga panukalang batas na naglalayong i-regulate ang online gambling. Pinakatuon ng mga ito ang pagtitiyak na hindi nakapaglalaro ang mga menor de edad. Hindi na rin daw dapat nakakonekta sa mga online gaming sites ang mga online payment platforms o e-wallet. Sa Kongreso, isa sa mga nagsusulong ng panukalang batas na ito ang Akbayan Party-list. Sa Senado, naghain ng anti-online gambling bill si Senador Juan Miguel Zubiri; tinawag nga niyang “silent epidemic” ang online gambling. 

Banggitin lang natin ulit dito ang ilang panawagan ng CBCP. 

Para sa gobyerno, ang kapakanan ng taumbayan, lalo na ng kabataan, ang dapat na prayoridad sa halip na kita mula sa mga online gambling sites. Ideklarang iligal ng gobyerno ang lahat ng uri ng online gambling. Hindi na uubra ang paalalang “keep it fun, game responsibly.”

Para sa media at advertisers—isama na natin ang mga celebrity endorsers—maging responsable sila sa mensaheng ipinararating nila tungkol sa online gambling. Ipaalám nila ang totoong epekto ng pagsusugal.

Para sa ating lahat, makibahagi tayo sa mga hakbang ng Simbahan na tulungan ang mga nalululong sa online gambling. Tumugon tayo sa panawagan ng ating mga obispo na “palayain ang mga bihag,” katulad ng ipinahihiwatig sa Lucas 4:18. Simulan natin ito sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanila sa halip na kunsintihin ang kanilang ginagawa o husgahan ang kanilang pagkalulong sa sugal. Gaya ng anumang adiksyon, ang pagkalulong sa sugal ay isang isyung pangkalusugan. 

Sa ating kanya-kanyang pamilya, bantayan natin ang isa’t isa, lalo na ang mga bata. Maging mabuting halimbawa tayo sa kanila. Alalahanin nating sa tuwing may nalululong sa sugal, may pamilyang nawawasak at may kinabukasang nalalagay sa alanganin. 

Mga Kapanalig, gaya ng sinabi ng ating mga obispo, hindi tutol ang Simbahan sa anumang uri ng libangan. Pero hindi mananahimik ang ating Simbahan sa harap ng mga banta sa dignidad ng tao, katulad ng tukso ng pagsusugal.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 36,255 total views

 36,255 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 121,014 total views

 121,014 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 138,497 total views

 138,497 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 183,222 total views

 183,222 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bantay ng bayan

 36,256 total views

 36,256 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 121,015 total views

 121,015 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 138,498 total views

 138,498 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »
Scroll to Top