Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpayag ng gobyerno sa operasyon ng POGOs, kinundena ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 22,833 total views

Muling kinondena ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang patuloy na legalisasyon ng online gambling sa bansa.

Ito ang bahagi ng mensahe ng obispo, kasabay ng ginaganap na 11th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XI) sa Quadri-Centennial Pavillion ng University of Santo Tomas.

Sa harap ng libo-libong kalahok sa PCNE XI na may temang “Padayon: Synodal Witnessing of the Faith,” binalaan ni Bishop David ang publiko hinggil sa lumalalang epekto ng addiction, lalo na ang online gambling, na aniya’y isang “modernong tanikala” na unti-unting sumisira sa mga buhay at pamilya ng mga Pilipino.

“Hindi na tayo ginagapos ng pisikal na tanikala, kundi ng mga uri ng pagkahumaling,” pahayag ni Cardinal David.

Ibinunyag ng Kardinal na ang pagpayag ng gobyerno sa operasyon ng Philippine In-Land Gaming Operations (PIGOs) ay tila kapalit lamang ng kita, kahit pa malinaw ang masamang epekto nito sa lipunan.

Aniya, maraming OFWs ang nababahala na ang perang kanilang pinaghirapan sa ibang bansa ay napupunta lang sa sugal, sa halip na sa edukasyon at pangangailangan ng kanilang pamilya.

“Inaalala ng mga OFW kung bakit bigla na lang nawawala ang perang ipinapadala nila—yun pala, ginagastos sa online gambling,” giit ni Bishop David.

Hindi rin sinang-ayunan ng cardinal ang katwiran ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na legalisasyon ang sinasabing sagot upang makaiwas sa iligal na sugal at makalikom ng pondo para sa pamahalaan. Sa isang liham na natanggap ng Obispo mula sa PAGCOR, iginiit ng ahensya na mas makabubuti na i-regulate ang sugal sa halip na hayaan itong lumaganap nang iligal.

Ngunit para kay Bishop David, hindi katanggap-tanggap at salungat sa moralidad ang ganitong uri ng argumento.

“Kung ganun, gawin n’yo na ring legal ang shabu—dahil iligal, at para daw kumita ang gobyerno. Gawin n’yo na ring legal ang iba pang sources of addiction. Sabi nila, i-regulate na lang daw. Talaga ba? Sa panahon ngayon, kakayanin ba ng gobyerno na pigilan ang kabataan na makapasok sa online gambling?” katwiran ng Obispo.

Binigyang-diin niyang imposibleng kontrolin ang mga digital platforms, lalo’t maraming kabataan ang digital natives na may kakayahang makalusot ang anumang online restrictions.

“Patawarin, pero hindi ako sang-ayon na ang isang bagay na mali sa kanyang pinagmulan ay puwedeng i-regulate. Mali ito sa kabuuan.”

Tinukoy rin ng Obispo ng Kalookan, ang malapit na kaugnayan ng online gambling at social media addiction—dalawang banta na mabilis na tumatagos sa buhay ng kabataan at buong pamilya.

Ang PCNE XI ay taunang pagtitipon ng Simbahang Katolika na unang inilunsad noong 2013 sa pamumuno ng Cardinal Luis Antonio Tagle ang dating arsobispo ng Maynila. Layunin nitong palalimin ang pananampalataya ng mga Pilipino sa gitna ng mga hamon ng makabagong panahon, at pagtuunan ng pansin ang gampanin ng simbahan sa mga isyung panlipunan gaya ng kahirapan, disinformation, at pagkahumaling sa teknolohiya.

– Marian Navales- Pulgo,  Michael Encinas

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 13,292 total views

 13,292 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 31,276 total views

 31,276 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 51,213 total views

 51,213 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 68,334 total views

 68,334 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 81,709 total views

 81,709 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 22,557 total views

 22,557 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 22,558 total views

 22,558 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 11,255 total views

 11,255 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »
Scroll to Top