Pagtutok sa TB at HIV-AIDS, nais marinig ng CBCP sa SONA ni PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,327 total views

Iginiit ng simbahan na kailangang tutukan ng pamahalaan ang usaping pangkalusugan, lalo na sa pagtaas ng kaso ng tuberculosis (TB) at human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa.

Ito ang panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Healthcare (CBCP-ECHC) kaugnay sa nalalapit na ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa July 28, 2025.

Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Dan Cancino, ika-apat ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng TB sa buong mundo kaya’t ginagawa na ang aktibong paghahanap ng kaso sa mga pamayanan, kabilang na ang pagdadala ng x-ray machines sa mga malalayong lugar upang agad matukoy at magamot ang mga apektado.

“Kapag inuubo ng dalawang linggo, may mga symptoms ng tuberculosis, huwag mahihiyang magpa-check-up. May gamot tayo,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radyo Veritas.

Gayunman, binigyang-diin ni Fr. Cancino na dahil sa kakulangan ng suplay ng gamot sa ilang lugar, may mga pasyenteng napipilitang tumigil sa gamutan, na nagreresulta sa pagkawala ng pag-asang gumaling at sa muling pagtaas ng mga kaso ng TB.

Kaya naman, hinimok ng pari ang pamahalaan na tiyaking may sapat na suplay ng gamot at abot-kayang serbisyo sa mga health center, lalo na sa mga kanayunan.

“Knock-knock po sa ating mga kinuukulan. Maganda pong tingnan muli natin paano ba ‘yung ating healthcare system lalo na sa purchase and distribution natin [ng mga gamot at serbisyong pangkalusugan],” ayon sa pari.

Kaugnay nito, binigyang-pansin rin ni Fr. Cancino ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV, partikular sa mga kabataang edad 15 hanggang 24.

Aniya, isa sa mga dahilan ay ang pagtaas ng bilang ng mga nagpapa-test, ngunit binigyang-diin din ang epekto ng pagbawi ng mga dayuhang pondo tulad ng United States Agency for International Development (USAID).

Paliwanag ng pari na kung walang domestic funding, maaapektuhan ang suplay ng gamot, mga programang pangkalusugan sa mga pamayanan, at kabuhayan ng mga trained health workers.

“Kaya nga dapat mabigyan ‘to ng pansin… At kung mabigyan ng pondo, gamitin ito sa tama. Huwag ibulsa. Huwag gamitin kung saan-saan. Ang para sa mga may sakit, talagang dapat i-ensure natin at i-guarantee na makakarating sa mga may sakit,” giit ni Fr. Cancino.(michael)

Iginiit ng simbahan na kailangang tutukan ng pamahalaan ang usaping pangkalusugan, lalo na sa pagtaas ng kaso ng tuberculosis (TB) at human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa.

Ito ang panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Healthcare (CBCP-ECHC) kaugnay sa nalalapit na ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa July 28, 2025.

Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Dan Cancino, ika-apat ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng TB sa buong mundo kaya’t ginagawa na ang aktibong paghahanap ng kaso sa mga pamayanan, kabilang na ang pagdadala ng x-ray machines sa mga malalayong lugar upang agad matukoy at magamot ang mga apektado.

“Kapag inuubo ng dalawang linggo, may mga symptoms ng tuberculosis, huwag mahihiyang magpa-check-up. May gamot tayo,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radyo Veritas.

Gayunman, binigyang-diin ni Fr. Cancino na dahil sa kakulangan ng suplay ng gamot sa ilang lugar, may mga pasyenteng napipilitang tumigil sa gamutan, na nagreresulta sa pagkawala ng pag-asang gumaling at sa muling pagtaas ng mga kaso ng TB.

Kaya naman, hinimok ng pari ang pamahalaan na tiyaking may sapat na suplay ng gamot at abot-kayang serbisyo sa mga health center, lalo na sa mga kanayunan.

“Knock-knock po sa ating mga kinuukulan. Maganda pong tingnan muli natin paano ba ‘yung ating healthcare system lalo na sa purchase and distribution natin [ng mga gamot at serbisyong pangkalusugan],” ayon sa pari.

Kaugnay nito, binigyang-pansin rin ni Fr. Cancino ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV, partikular sa mga kabataang edad 15 hanggang 24.

Aniya, isa sa mga dahilan ay ang pagtaas ng bilang ng mga nagpapa-test, ngunit binigyang-diin din ang epekto ng pagbawi ng mga dayuhang pondo tulad ng United States Agency for International Development (USAID).

Paliwanag ng pari na kung walang domestic funding, maaapektuhan ang suplay ng gamot, mga programang pangkalusugan sa mga pamayanan, at kabuhayan ng mga trained health workers.

“Kaya nga dapat mabigyan ‘to ng pansin… At kung mabigyan ng pondo, gamitin ito sa tama. Huwag ibulsa. Huwag gamitin kung saan-saan. Ang para sa mga may sakit, talagang dapat i-ensure natin at i-guarantee na makakarating sa mga may sakit,” giit ni Fr. Cancino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 53,046 total views

 53,046 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 62,410 total views

 62,410 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 88,866 total views

 88,866 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 137,371 total views

 137,371 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 138,818 total views

 138,818 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top