Pagpayag ng gobyerno sa operasyon ng PIGOs, kinundena ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,563 total reads

Muling kinondena ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang patuloy na legalisasyon ng online gambling sa bansa.

Ito ang bahagi ng mensahe ng obispo, kasabay ng ginaganap na 11th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XI) sa Quadri-Centennial Pavillion ng University of Santo Tomas.

Sa harap ng libo-libong kalahok sa PCNE XI na may temang “Padayon: Synodal Witnessing of the Faith,” binalaan ni Bishop David ang publiko hinggil sa lumalalang epekto ng addiction, lalo na ang online gambling, na aniya’y isang “modernong tanikala” na unti-unting sumisira sa mga buhay at pamilya ng mga Pilipino.

“Hindi na tayo ginagapos ng pisikal na tanikala, kundi ng mga uri ng pagkahumaling,” pahayag ni Cardinal David.

Ibinunyag ng Kardinal na ang pagpayag ng gobyerno sa operasyon ng Philippine In-Land Gaming Operations (PIGOs) ay tila kapalit lamang ng kita, kahit pa malinaw ang masamang epekto nito sa lipunan.

Aniya, maraming OFWs ang nababahala na ang perang kanilang pinaghirapan sa ibang bansa ay napupunta lang sa sugal, sa halip na sa edukasyon at pangangailangan ng kanilang pamilya.

“Inaalala ng mga OFW kung bakit bigla na lang nawawala ang perang ipinapadala nila—yun pala, ginagastos sa online gambling,” giit ni Cardinal David.

Hindi rin sinang-ayunan ng cardinal ang katwiran ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na legalisasyon ang sinasabing sagot upang makaiwas sa iligal na sugal at makalikom ng pondo para sa pamahalaan. Sa isang liham na natanggap ng Obispo mula sa PAGCOR, iginiit ng ahensya na mas makabubuti na i-regulate ang sugal sa halip na hayaan itong lumaganap nang iligal.

Ngunit para kay Bishop David, hindi katanggap-tanggap at salungat sa moralidad ang ganitong uri ng argumento.

“Kung ganun, gawin n’yo na ring legal ang shabu—dahil iligal, at para daw kumita ang gobyerno. Gawin n’yo na ring legal ang iba pang sources of addiction. Sabi nila, i-regulate na lang daw. Talaga ba? Sa panahon ngayon, kakayanin ba ng gobyerno na pigilan ang kabataan na makapasok sa online gambling?” katwiran ng Cardinal.

Binigyang-diin niyang imposibleng kontrolin ang mga digital platforms, lalo’t maraming kabataan ang digital natives na may kakayahang makalusot ang anumang online restrictions.

“Patawarin, pero hindi ako sang-ayon na ang isang bagay na mali sa kanyang pinagmulan ay puwedeng i-regulate. Mali ito sa kabuuan.”

Tinukoy rin ng Obispo ng Kalookan, ang malapit na kaugnayan ng online gambling at social media addiction—dalawang banta na mabilis na tumatagos sa buhay ng kabataan at buong pamilya.

Ang PCNE XI ay taunang pagtitipon ng Simbahang Katolika na unang inilunsad noong 2013 sa pamumuno ng Cardinal Luis Antonio Tagle ang dating arsobispo ng Maynila. Layunin nitong palalimin ang pananampalataya ng mga Pilipino sa gitna ng mga hamon ng makabagong panahon, at pagtuunan ng pansin ang gampanin ng simbahan sa mga isyung panlipunan gaya ng kahirapan, disinformation, at pagkahumaling sa teknolohiya.

– Marian Navales- Pulgo,  Michael Encinas

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 479 total reads

 479 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 221,153 total reads

 221,153 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 255,826 total reads

 255,826 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 271,726 total reads

 271,726 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 308,185 total reads

 308,185 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top