Paliwanag ng PAGCOR sa online gambling, ni-reject ni Cardinal Davi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,524 total reads

Mariing nanindigan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David laban sa pagsasalegal ng online gambling sa bansa.

Sa naganap na 11th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XI) noong ika-18 ng Hulyo, 2025 ay ibinahagi ni Cardinal David ang personal na pagsulat sa kanya ng pamunuan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) upang punto por puntong ipaliwanag ang posisyon ng ahensya kaugnay sa kontrobersyal na usapin bilang tugon sa naging liham pastoral ng CBCP sa katatapos na 130th Plenary Assembly ng kalipunan ng nga Obispo.

Pagbabahagi ni Cardinal David, nasasaad sa liham ng PAGCOR ang panghihinayang sa buwis na maaaring masayang at magamit ng pamahalaan mula sa pagsasalegal ng online gambling sa bansa.

Giit ng Cardinal, hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang naturang pangangatwiran lalo na’t marami kasapi ng lipunan lalo’t higit ang mga kabataan ang lantad sa pagiging biktima ng pagkalulong sa pagsusugal.

“The PAGCOR wrote me a letter, a few days ago the PAGCOR chief sort of defending their stand about legalizing online gambling, sagot daw point-by-point sa aming pastoral statement, but ang sumatutal is ‘if we do not legalize it, mananatiling iligal yan and we lose a lot of money, sayang! we could use the money and generate revenues for government’ – yun ang reasoning, no matter if it is very addictive especially for young people. How is that for a reasoning?” Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.

Paliwanag ng Cardinal, ang sugal ay mananatiling ilegal at hindi naangkop na gawain ng sinuman kahit ito pa ay gawing legal ng sanggay ng pamahalaan.

“I am sorry that I do not agree that you can regulate something criminal, it is criminal through and through.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Ayon sa Cardinal, ang bawat kasapi ng lipunan ay lantad sa panganib ng pagkalulong sa online gambling lalo na’t nakaugnay rin ang pagkalulong sa online gambling sa pagkalulong sa paggamit ng social media.

“Addiction to online gambling is so closely related to addiction to social media, at lahat tayo vulnerable diyan.”

Matatandaang una na ring kinundina ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas kung saan dahil sa teknolohiya ay mas madali itong ma-access ng sinuman.

Sa datos ng Recovering Gamblers of the Philippines, 80% sa kanilang mga rehab patient ay pawang mga biktima ng online gambling na bukod sa pagkalugi sa pera ay nagdulot din ng depresyon, pagkasira ng buhay, pamilya at relasyon sa kapwa.

Batay sa datos ng PAGCOR 38% mula sa P410-billion gross gaming revenue noong nakalipas na taong 2024 ay nagmula sa electronic gaming industry kung saan inaasahan ang higit pang paglaki nito ngayong taon, kung saan sa tala ng Statista 3.3% ng populasyon sa Pilipinas noong 2024 ang tumataya sa online gambling.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 20,978 total reads

 20,978 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 58,523 total reads

 58,523 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,734 total reads

 76,734 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,062 total reads

 161,062 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 197,446 total reads

 197,446 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,351 total reads

 37,351 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top