Pagbaha, paalaala ng pagkukulang sa gampanin sa kalikasan-Archbishop Alarcon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,378 total reads

Nanawagan ng pagkakaisa, malasakit, at panibagong paninindigan para sa kalikasan si Caceres Arcbhishop Rex Andrew Alarcon, kasunod ng matinding pagbaha na tumama sa ilang bahagi ng bansa.

Sa kanyang mensahe para sa mga nasalanta, ipinahayag ng arsobispo ang kanyang pag-aalala at panawagan sa mamamayan na magmuni-muni sa mga aral ng trahedya. Aniya, ang malawakang pagbaha ay isang malungkot na pangyayari, ngunit isa ring pagkakataon upang mamulat tayo sa ating pananagutan sa kalikasan.

“Ang pagbaha ay paalala sa atin na kailangan nating alagaan ang kapaligiran at gampanan ang ating tungkulin bilang mabuting tagapangasiwa ng kalikasan,” ayon sa arsobispo na kasalukuyang nasa Roma para dumalo sa Jubilee of Digital Missionaries and Catholic Influencers.

Bukod sa pangangalaga sa kapaligiran, iginiit ni Arsobispo Alarcon ang kahalagahan ng pagtutulungan sa panahon ng sakuna. Ayon sa kanya, dapat mag-abot-kamay ang bawat isa at maging bukas-palad sa pagtulong sa mga nangangailangan. Sa ganitong paraan, hindi lamang natin nauunawaan ang pinagdaraanan ng iba, kundi napapalalim din ang ating pagkatao bilang isang sambayanan.

“Ang paghihirap ng isa ay paghihirap nating lahat. Sa mga mas maayos ang kalagayan, nawa’y maging daan kayo upang itaas ang inyong kapwa,” aniya.

Hinimok rin niya ang lahat sa tinatawag na “conversion” o pagbabalik-loob, lalo’t ang mga kalamidad na nararanasan natin ay kadalasang bunga ng kapabayaan, pagkukulang, at pagkasira — hindi lamang ng kalikasan, kundi ng mga tao.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Jubilee Year, nanawagan ang arsobispo na gawing inspirasyon ang sakripisyo ni Kristo — isang pag-aalay ng sarili para sa kapwa, anuman ang kalagayan sa buhay.

“Sa gitna ng lahat ng ito, magpatuloy tayong maging mabait, mahabagin, at handang tumulong sa isa’t isa,” panawagan ni Archbishop Alarcon.

Sa huli, hinimok ng arsobispo ang bawat mananampalataya na makiisa sa sama-samang pagkilos — upang muling buhayin ang diwa ng malasakit, responsibilidad, at pananalig sa harap ng hamon ng kalikasan.

Sa loob ng halos isang linggo, tatlong magkakasunod na bagyo ang dumaan sa bansa na pinag-ibayo pa ng epekto ng hanging habagat, kung saan may 30 ang nasawi habang bilyong pisong halaga ng mga gusali, ari-arian at kabuhayan ang nasalanta.

(Veritas Intern Michael Encinas and Reports from Jing Manipol-Lanzona)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 35,710 total reads

 35,710 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 116,083 total reads

 116,083 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 149,531 total reads

 149,531 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 184,830 total reads

 184,830 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 410,008 total reads

 410,008 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 15,211 total reads

 15,211 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top