Bagong Obispo ng Ipil, tiniyak ang pakikilakbay tungo sa simbahang sinodal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,327 total reads

Tiniyak ng bagong pastol ng Diocese of Ipil ang pakikilakbay sa kawang ipagkakatiwala sa kanyang pangangalaga alinsunod sa panawagang simbahang sinodal.

Ikinatuwa ni Bishop Glenn Corsiga ang mainit na pagtanggap ng pamayanan ng Ipil na daan upang gumaan ang kanyang kalooban sa pagharap sa mas malawak na misyon ng kanyang piniling bokasyon.

Aniya makatutulong ito upang higit na maisabuhay ang ninanais na simbahang sinodal o simbahang nagbubuklod sa paglalakbay.

“We will be journeying together in communion, in participation, and in mission because that is what the Church calls us to do at the moment in synodality with each other,” pahayag ni Bishop Corsiga sa Radyo Veritas.

Batid ng obispo ang kahandaang makinig at makilakbay sa pamayanan kasama ang mga paring magiging katuwang sa pagpapastol sa mahigit kalahating milyong katoliko sa lugar.

“I will spend a period of listening. I will journey with them, so that I can understand the plans they have already made,” dagdag ng obispo.

Bukod dito hiniling din ni Bishop Corsiga sa mga pari ng diyosesis na turuan at gabayan ito sa kanyang mga gawaing pagpapastol lalo na sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at sa Muslim community na tinatayang nasa 15 porsyento sa kabuuang populasyon ng Zamboanga Sibugay.

“Teach me how to journey—especially with our Muslim brothers and sisters—and in partnership with the local government,” ani Bishop Corsiga.

Naniniwala ang obispo na sa pagkakaisa at pagtutulungan ng pamayanan ay makamit ang higit na pag-unlad bilang kawan ng Panginoon at komunidad na pinagbubuklod ng pag-ibig.

“Our partnership will grow into something that will bear fruit not only for Ipil but for the entire Sibugay as a province,” giit ng obispo.

Ito rin ay tugma sa episcopal motto ng obispo na ‘Amare Et Servire’ na patuloy paglilingkod sa diwa ng pag-ibig ng Panginoon sa sangkatauhan.

Matatandaandang April 14 nang italaga si Bishop Corsiga bilang kahaliling pastol ni Bishop Julius Tonel na ngayo’y arsobispo ng Archdiocese of Zamboanga.

Ang obispo ang pinakahuling itinalaga ni Pope Francis bago pumanaw noong April 21, 2025.

Nitong July 29 nang ginawaran ng episcopal ordination si Bishop Corsiga sa St. Catherine of Alexandria Cathedral sa Dumaguete City sa ritong pinangunahan ni Archbishop Tonel katuwang sina Dumaguete Bishop Julito Cortes at Palo Archbishop John Du habang si Cebu Archbishop Emeritus Jose Palma naman ang nagsilbing homilist sa pagdiriwang.

Dumalo sa pagdiriwang ang mga obispong kasapi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kabilang na si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Itinakda naman ng Diocese of Ipil ang pagluluklok kay Bishop Corsiga sa cathedra ng St. Joseph the Worker Cathedral sa August 14.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 36,898 total reads

 36,898 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 117,121 total reads

 117,121 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 150,569 total reads

 150,569 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 185,868 total reads

 185,868 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 411,017 total reads

 411,017 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top