Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,962 total reads

Homiliya para sa Misang Paggunita kina Marta, Maria at Lazaro, Ika-29 ng Hulyo, Juan 11:19-27

Ang malakas na alingawngaw na naririnig ko sa ating mga pagbasa, sa araw na ito ng Kapistahan ng tatlong magkakapatid na Kaibigan ni Hesus, ay isang pakiusap: Samahan mo kami, Panginoon. Katulad ng sinabi ng dalawang alagad sa estrangherong nakilakbay sa kanila.

Naging pamilyar tayo sa salitang Synodality, o sa panawagan ng yumaong Papa Francisco na tayo’y maging isang simbahang SINODAL. Na ito ay may kinalaman sa pagiging handang makilakbay sa bawat kapwa—hindi iyung namimili lang tayo ng pakikisamahan, hindi iyung para bang tayo lang ibig iligtas ng Diyos. Nasabi ko nga ito sa nakaraang PCNE sa UST—na ang kaligtasan na hangad ng Diyos ay laan para sa lahat ng tao. Kaya niya tayo tinuturuan na maging bukas ang isip at kalooban na makilakbay, hindi lang sa mga kapamilya,hindi lang sa mga ka-relihiyon, kundi sa bawat kapwa. Kasi, ganyan din ang ating Diyos sa atin.

Kaya bago tayo matutong makilakbay sa isa’t isa, kailangan munang makilala natin ang Diyos na nakilakbay sa atin. Ito ang pakiusap na narinig natin sa unang pagbasa—tungkol sa paglalambing ni Moises sa Diyos. Sabi niya, “Kung totoong kaibigan ang turing mo sa akin, samahan mo kami. Mabuti pang huwag na kaming magpatuloy sa paglalakbay namin kung hindi ka naman namin kasama. Makilakbay ka sa amin, Panginoon, kahit may katigasan ang aming mga ulo. IKaw na sana ang magpuno sa aming pagkukulang.”

Malakas ang dating ng ating ebanghelyo tungkol sa eksena ng naatrasong pagdating ni Hesus sa Betania—matapos na magpaabot sila ng balita na nag-aagaw-buhay ang kapatid nilang si Lazaro. Huli na ang lahat; pagdating niya, patay na si Lazaro. Kaya ang dating laging excited na sumalubong kay Hesus ay hindi lumabas at sumalubong; nagmukmok sa bahay, nagtatampo. Si Martha, sumalubong nga pero sumbat ang isinalubong sa kaibigan: “Kung narito ka lang, hindi sana namatay ang kapatid namin.”

Masakit na sumbat, pero nilunok ni Hesus; hindi na siya nangatuwiran. Kung narito ka lang… Ibig sabihin, “Wala ka noong kailangan ka namin.” Totoo naman, kung minsan, parang ganoon ang himutok natin sa Diyos kapag bumibigat ang mga pagsubok na kailangang harapin.

Balik sa kuwento—ang dating sinasalubong na kaibigan, ngayon parang hindi na welcome. Pero tumuloy pa rin si Hesus, pinakinggan ang himutok ng magkapatid, at nang umiyak si Maria, umiyak din siya. Ang mensahe niya ay ang presensya niya. Narito ako, kasama ninyo ako. Kung siya ay ang Diyos na nagkatawang-tao at kusang-loob na nakilakbay sa atin ay ang daan, paano ba tayo mailigaw? Kung siya ang katotohanan, paano ba tayo malilinlang? Kung siya ang buhay, paano ba tayo tatalunin ng kamatayan?

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 41,075 total reads

 41,075 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,085 total reads

 121,085 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 154,532 total reads

 154,532 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 189,831 total reads

 189,831 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 414,805 total reads

 414,805 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 14,772 total reads

 14,772 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 20,417 total reads

 20,417 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 19,684 total reads

 19,684 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top