Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 127,232 total reads

Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sa loob ng mahigit isang oras, inilahad ng pangulo ang kalagayan ng bansa sa iba’t ibang aspeto: agrikultura, enerhiya at tubig, edukasyon, at disaster response. Isa-isahin natin ang ilan sa kanyang mga nabanggit. 

Sa agrikultura, ibinida ni PBBM ang pagtupad sa kanyang pangako noong kampanya na ₱20 kada kilong bigas. Nangako rin siyang patataasin ang produksyon ng niyog. 

Sa larangan ng enerhiya, karagdagang 2.5 milyong kabahayan daw ang napakabitan ng linya ng kuryente. Tungkol naman sa tubig, inatasan ng pangulo ang Local Water Utilities Administration na busisiin at panagutin ang mga “palpak na water district at joint venture partners.”

Isa rin sa mga tinalakay ng pangulo ang krisis sa edukasyon. Ipinagmalaki ng administrasyon ang naisabatas na Republic Act No. 12199 o ang Early Childhood Care and Development System Act. Dahil dito, nakapagtayo ang gobyerno ng 172 child development centers. Binanggit din ni PBBM ang pagpapatayo ng 400,000 classrooms na pandagdag sa 22,000 na bagong silid-aralan. 

Inamin din ng pangulo na maraming flood-control projects na palpak. Kinastigo niya ang korupsyon sa mga proyektong ito. “Mahiya naman kayo sa kapwa niyo Pilipino,” diin niya. Iniutos niyang magsumite ang DPWH ng listahan ng mga flood-control projects para sa isang audit at performance review. 

Maraming natalakay ang pangulo, pero may ilang isyung hindi nabanggit. Isa rito ang pagpapataas sa sahod ng mga daily wage workers. Hindi rin isinama ang mga biktima ng war on drugs ng nakaraang administrasyon para masabing gumagana nga ang ating sistemang pangkatarungan. Marami rin ang nadismaya dahil hindi tinalakay ang online gambling na bumibiktima sa marami nating kababayan, kabilang ang kabataan. Kulang pa ang talumpati ni PBBM lalo na sa mga maiinit na isyu ng trabaho at sahod, karapatang pantao at katarungan, at kabataan.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, ipinagmalaki ni PBBM na abot-tanaw na ang kaunlaran o development sa Bagong Pilipinas. Pero anong uri ng kaunlaran? 

Makatutulong dito ang turo ng ating Simbahan. Para kay Saint Pope Paul VI sa Populorum Progressio, pangunahing tungkulin ng bawat bansa ang magkaroon ng kaunlaran o development para sa mga mamamayan nito. Kasama sa kaunlaran na ito ang pagpapanatili ng kapayapaan, pagsugpo sa kahirapan at gutom, pagtitiyak na may disenteng trabaho at sahod ang mga manggagawa, at pagpapayabong sa husay at talino ng mga mamamayan.

Sa huling tatlong taon ng administrasyon ni PBBM, tandaan nating ang mga natapos na programa at ang mga isusulong na polisiya ng pamahalaan ay dapat nakatuon sa ating kaunlaran bilang isang bansa. Marami pang kailangang gawin. Tiyakin dapat na hindi nalulugi ang ating mga magsasaka sa mababang presyo ng kanilang bentang palay. Nakabubuhay dapat ang sahod na tinatanggap ng mga manggagawa; hindi nga naisabatas ang panukalang ₱200 na wage hike noong nakaraang Kongreso. Dapat matuto ang mga mag-aaral sa loob ng maaliwalas na silid-aralan at ligtas na paaralan. Ang bawat pamilyang Pilipino ay dapat nakapaghahain ng sapat, masustansya, at abot-kayang pagkain.

Mga Kapanalig, tayo ay maging mapagmatyag sa mga pangako ng kasalukuyang administrasyon. Hindi biro ang mga binitawang salita ng pangulo. Nasa atin ang tungkuling bantayan at panagutin siya at ang buong pamahalaan. Ngunit bilang mga mabubuting Pilipino at Katoliko, manalangin din tayo at makiisa sa pagkamit natin ng kaunlaran para maging tunay abot-tanaw ito para sa lahat ng Pilipino. Ayon nga sa Mga Kawikaan 14:34, “ang katuwiran ay nagtataas sa isang bansa, ngunit ang kasalanan sa alinmang bayan ay pagkutya!” Development is the new name of peace.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 21,881 total reads

 21,881 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 59,333 total reads

 59,333 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 77,544 total reads

 77,544 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,872 total reads

 161,872 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 198,215 total reads

 198,215 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 21,882 total reads

 21,882 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 59,334 total reads

 59,334 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 77,545 total reads

 77,545 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,873 total reads

 161,873 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top