Kasakiman, ugat ng lahat ng kasamaan-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,249 total reads

Kinundena ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang patuloy na paghahari ng kasikiman sa puso ng mga tao na nagdudulot ng pagkalulong sa bisyo katulad ng sugal o online gambling.

Ayon kay Bishop Pabillo, sa matinding paghahangad ng tao na yumaman ang nag-uudyok sa marami na malulong sa masamang bisyo katulad ng online gambling.

Itinuturing ng Obispo ang online gambling na bagong “pandemyang”sumisira sa buhay ng mga Pilipino at kanilang pamilya.

“Pati ang Diyos ay dinadaya natin, kaya nga pati ang simbahan ay ninanakawan, kinukupitan. Para sa iba, ginagamit ang Diyos para magkaroon ng pera, kaya hindi nagbibigay ng proper accounting ng pera ng simbahan. Walang transparency. Nakakalimutan yata natin ang maliwanag na sinabi ni Jesus na hindi tayo makapaglilingkod sa dalawang panginoon– sa pera at sa Diyos. Maaaring gamitin natin ang pera para sa Diyos o di kaya gamitin natin ang Diyos para sa pera,” ayon sa pagninilay ni Bishop Pabillo.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na maibabalik natin ang buhay sa panginoon sa pagkilala na ang kasakiman ay ugat ng lahat ng kasamaan.

Hinhimok ng Obispo ang lahat na gamitin ang pera at yaman sa wastong pamamaraan at pagbibigay prayoridad sa pangangailangan maging sa pagkawanggawa.

“Pinapaalaala ng mga pagbasa natin ngayon na isipin natin na hindi natin mahahawakan ang anumang bagay sa mundo. Sinabi ng Mangangaral sa unang pagbasa natin na walang kabuluhan, parang bula lamang, ang mga bagay sa mundo. Nakakita na tayo ng mga bata na naglalaro ng bula ng sabon. Ang ganda ng bula. Makulay at bilog na bilog na lumilipad, pero hindi natin mahawakan. Kapag pumatong sa ating kamay sila ay pumuputok, naglalaho. Ganyan ang kayamanan sa mundo,” bahagi pa ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Sa datos ng Recovering Gamblers of the Philippines, 80% sa kanilang mga rehab patient ay pawang mga biktima ng online gambling na bukod sa pagkalugi sa pera ay nagdulot din ng depresyon, pagkasira ng buhay, pamilya at relasyon sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 46,002 total reads

 46,002 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 125,832 total reads

 125,832 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 159,279 total reads

 159,279 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 194,577 total reads

 194,577 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 419,349 total reads

 419,349 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top