Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 127,165 total views

Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sa loob ng mahigit isang oras, inilahad ng pangulo ang kalagayan ng bansa sa iba’t ibang aspeto: agrikultura, enerhiya at tubig, edukasyon, at disaster response. Isa-isahin natin ang ilan sa kanyang mga nabanggit. 

Sa agrikultura, ibinida ni PBBM ang pagtupad sa kanyang pangako noong kampanya na ₱20 kada kilong bigas. Nangako rin siyang patataasin ang produksyon ng niyog. 

Sa larangan ng enerhiya, karagdagang 2.5 milyong kabahayan daw ang napakabitan ng linya ng kuryente. Tungkol naman sa tubig, inatasan ng pangulo ang Local Water Utilities Administration na busisiin at panagutin ang mga “palpak na water district at joint venture partners.”

Isa rin sa mga tinalakay ng pangulo ang krisis sa edukasyon. Ipinagmalaki ng administrasyon ang naisabatas na Republic Act No. 12199 o ang Early Childhood Care and Development System Act. Dahil dito, nakapagtayo ang gobyerno ng 172 child development centers. Binanggit din ni PBBM ang pagpapatayo ng 400,000 classrooms na pandagdag sa 22,000 na bagong silid-aralan. 

Inamin din ng pangulo na maraming flood-control projects na palpak. Kinastigo niya ang korupsyon sa mga proyektong ito. “Mahiya naman kayo sa kapwa niyo Pilipino,” diin niya. Iniutos niyang magsumite ang DPWH ng listahan ng mga flood-control projects para sa isang audit at performance review. 

Maraming natalakay ang pangulo, pero may ilang isyung hindi nabanggit. Isa rito ang pagpapataas sa sahod ng mga daily wage workers. Hindi rin isinama ang mga biktima ng war on drugs ng nakaraang administrasyon para masabing gumagana nga ang ating sistemang pangkatarungan. Marami rin ang nadismaya dahil hindi tinalakay ang online gambling na bumibiktima sa marami nating kababayan, kabilang ang kabataan. Kulang pa ang talumpati ni PBBM lalo na sa mga maiinit na isyu ng trabaho at sahod, karapatang pantao at katarungan, at kabataan.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, ipinagmalaki ni PBBM na abot-tanaw na ang kaunlaran o development sa Bagong Pilipinas. Pero anong uri ng kaunlaran? 

Makatutulong dito ang turo ng ating Simbahan. Para kay Saint Pope Paul VI sa Populorum Progressio, pangunahing tungkulin ng bawat bansa ang magkaroon ng kaunlaran o development para sa mga mamamayan nito. Kasama sa kaunlaran na ito ang pagpapanatili ng kapayapaan, pagsugpo sa kahirapan at gutom, pagtitiyak na may disenteng trabaho at sahod ang mga manggagawa, at pagpapayabong sa husay at talino ng mga mamamayan.

Sa huling tatlong taon ng administrasyon ni PBBM, tandaan nating ang mga natapos na programa at ang mga isusulong na polisiya ng pamahalaan ay dapat nakatuon sa ating kaunlaran bilang isang bansa. Marami pang kailangang gawin. Tiyakin dapat na hindi nalulugi ang ating mga magsasaka sa mababang presyo ng kanilang bentang palay. Nakabubuhay dapat ang sahod na tinatanggap ng mga manggagawa; hindi nga naisabatas ang panukalang ₱200 na wage hike noong nakaraang Kongreso. Dapat matuto ang mga mag-aaral sa loob ng maaliwalas na silid-aralan at ligtas na paaralan. Ang bawat pamilyang Pilipino ay dapat nakapaghahain ng sapat, masustansya, at abot-kayang pagkain.

Mga Kapanalig, tayo ay maging mapagmatyag sa mga pangako ng kasalukuyang administrasyon. Hindi biro ang mga binitawang salita ng pangulo. Nasa atin ang tungkuling bantayan at panagutin siya at ang buong pamahalaan. Ngunit bilang mga mabubuting Pilipino at Katoliko, manalangin din tayo at makiisa sa pagkamit natin ng kaunlaran para maging tunay abot-tanaw ito para sa lahat ng Pilipino. Ayon nga sa Mga Kawikaan 14:34, “ang katuwiran ay nagtataas sa isang bansa, ngunit ang kasalanan sa alinmang bayan ay pagkutya!” Development is the new name of peace.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 9,541 total views

 9,541 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 79,653 total views

 79,653 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 154,267 total views

 154,267 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 234,346 total views

 234,346 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 277,312 total views

 277,312 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ACCOUNTABILITY

 9,542 total views

 9,542 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 79,654 total views

 79,654 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 154,268 total views

 154,268 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 234,347 total views

 234,347 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »
Scroll to Top