Diocese of Tagum, kinilala ng lokal na pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,348 total reads

Ginawaran ng pagkilala ng lokal na pamahalaan ng Davao del Norte ang Caritas Philippines – Diocese of Tagum sa pamamagitan ng Diocesan Social Action Ministry nito para sa aktibong pakikibahagi sa pagtugon sa oras ng kalamidad sa lalawigan.

Sa naganap na Provincial Culmination and Recognition Activity ng Provincial Government of Davao del Norte para sa National Disaster Resilience Month (NDRM) 2025 noong ika-30 ng Hulyo, 2025 ay kinilala ng lokal na pamahalaan ang social action ministry ng Diyosesis ng Tagum bilang isang aktibong kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa lalawigan.

“Caritas Philippines – Diocese of Tagum, through the Diocesan Social Action Ministry, is deeply honored to receive a Plaque of Recognition as a member of the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) during the Provincial Culmination and Recognition Activity of the National Disaster Resilience Month (NDRM) 2025.” Bahagi ng pahayag ng Diocesan Social Action Ministry ng Diyosesis ng Tagum.

Ayon sa social action ministry ng Diocese of Tagum, ang naturang pagkilala ay isang hamon sa patuloy na pagsasakatuparan sa misyong itaguyod ang katatagan, kahandaan, at kaligtasan ng pamayanan katuwang ang Simbahan sa oras ng kalamidad at pangangailangan.

Naniniwala rin ang social action ministry ng diyosesis na ang naturang pagkilala ay isang patunay sa kahalagahan ng pagkakaisa ng lokal na pamahalaan, Simbahan, pamayanan at iba pang institusyon ng pamahalaan na nangangasiwa sa kaligtasan ng bawat mamamayan sa oras ng sakuna at iba pang kalamidad sa bansa.

“This recognition affirms our commitment to promoting resilience, preparedness, and compassionate service in times of disaster and need. It also celebrates the solidarity among LGUs, agencies, volunteers, and faith-based institutions in building a safer and more disaster-ready province.” Ayon pa sa social action ministry ng Diyosesis ng Tagum.

Kaugnay nga nito, bahagi ng pinalawig na programang Alay Kapwa ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang ‘Alay Kapwa para sa Katugunan sa Kalamidad’ kung saan higit na pinaigting ng Caritas Philippines ang pakikipag-ugnayan sa mga social action arm ng iba’t ibang diyosesis upang maihanda sa kagyat na pagtugon sa sitwasyon ng nasasakupan nitong pamayanan sa oras ng kalamidad at sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,065 total reads

 77,065 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,806 total reads

 111,806 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,106 total reads

 147,106 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,375 total reads

 373,375 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,599 total reads

 262,599 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top