CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 184,711 total views

Huling-huli sa akto., lulusot pa rin!

Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula sa mataas at mababang kapulungan. Sila ay ating inihalal, pinagkatiwalian na maging kinatawan natin sa ating mga adhikain, inaasahan nating magsusulong ng mga batas para sa ating kapakanan. Ang katotohanan, ang ating kongreso ay nagiging tahanan na ng mga sinungaling, mga mapagbalatkayo., mga mapagsamantala., mga hindi mapagkatiwalaan.

Sa unang session ng ika-20TH Congress, nahuli-cam si AGAP Partylist representative Nicanor Briones na nanonood ng e-sabong o online sabong sa kanyang cellphone mismo sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Unang itinatwa ito ng magiting na congressman., pero dahil naging viral na ang video., napaamin din si Kong. Nilinaw nito, nanood lamang siya., hindi naman siya tumataya. Hindi pa raw siya nakapunta sa isang sabungan o cockfighting arena., at hindi siya marunong ng money online transfer. Nakagaling ni Tong-gressman., magaling lumusot., huli na lulusot pa rin.

Kapanalig, nakagisnan na natin ang sugal sa ating bayan na naging legal ng itatag ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong 1976 sa administrasyon ng ama ng kasalukuyang pangulo ng Pilipinas. At 1983, sa pamamagitan ng Presidential decree no.1869 ay nagkaroon ng oversight sa online gambling.,pero taong 2000, dahil sa nakita ng pamahalaan ang malaking kikitain sa sugal, sinimulan itong i-regulate at patawan ng buwis ang sumisikat na online gambling.

Siempre, sumikat at naging legal ang POGO na naging dahilan ng human trafficking, paglaganap ng prostitution., pagdami ng mga illegal allien., kidnapping., pagpatay at naging daan ang POGO ng paglaganap ng droga. Dahil sa POGO sumikat din ang kinababaliwang panonoorin ni Congressman., ang e-sabong o online sabong. Sa online sabong sumikat ang kontrobersiyal na si Atong Ang at Gretchen Baretto., sila ay inaakusahan ng pagdukot, pagpatay at pagtapon ng bangkay ng mga e-sabungeros sa Taal, lake. Ngunit dahil pinagmumulan ng krimen at pagkaka-adik ng maraming Pilipino sa e-sabong ng mga Pilipino, ipinag-utos ni PBBM sa ikatlo niyang SONA ang pagiging “outlaw” ng POGO.

Nawala ang POGO, ngunit kapalit naman ang napakaraming uri ng sugal na madali lang ma-access online sa pamamagitan lamang ng cellphone maging ng computer. Napaka-dali lang sumugal online., maglog-in ka lang, gamit ang itong e-wallet o sikat na Gcash, maa-access mo ang lahat ng uri ng online gambling at makakataya ka rin kahit magkano sa anumang sugal na gusto kung may laman ang iyong e-wallet.

Sa inilabas na pastoral letter ng CBCP noong July 7, 2025., nanawagan ang kapulungan ng mga Obispo ng agarang pagkilos laban sa online gambling na itinuturing na “moral at public health crisis” o kanser na sumisira sa buhay ng maraming Pilipino at kanilang pamilya. Pinuna din sa pastoral letter ang kabiguan ng pamahalaan na protektahan ang mga Pilipino lalu na ang mga kabataan na maging gambling addicts.

Kapanalig, paano mo aalisin ang online gambling na ginawang legal ng pamahalaan? Paano mo alisin ang online gambling na ginagawang gatasan ng pamahalaan ng bilyon-bilyong pisong tax? Paano mo aalisin ang online gambling, kung mismong ang mga gumagawa ng batas, mismong mga nagpapatupad ng batas ay naa-adik na rin sa online na sugal?

Kapanalig, ating tandaan na walang nanalo sa sugal., sa sugal, ang mga sugarol ay laging talo! Marami ang nanawagan sa Bangko Sentral ng Pilipinas na tutukan naman ang mga online lending apps, e-wallets, at digital banks na kasangkapan sa paglala ng online gambling sa bansa.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 217,833 total views

 217,833 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 248,057 total views

 248,057 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 274,701 total views

 274,701 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 369,674 total views

 369,674 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 376,602 total views

 376,602 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 217,834 total views

 217,834 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 248,058 total views

 248,058 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 274,702 total views

 274,702 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 369,675 total views

 369,675 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top