Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

SHARE THE TRUTH

 2,119 total views

Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered Agencies at media personnel na nakiisa upang maisakatuparan ang matagumpay na 11 Philippine Conference of New Evangalization (PCNE 11) ngayong taon.

Ayon kay Father Jayson Laguerta – PCNE Director, pagsisimula pa lamang ito ng pinaigtingin na pagpapalaganap ng pananampalataya sa Pilipinas at buong mundo.

Ito ay dahil bilang mga sugo ng Panginoong Hesukristo, mahalagang maisakatuparan bilang nag-iisang simbahan ang sama-samang paglalakbay tungo sa mga layunin ng Panginoon para sa sanlibutan.

Sa ngalan ni Cardinal Jose Advincula, ang Chairman ng PCNE, at Bishop Danny Presto, ang Chairman ng Episcopal Commission on Evangelization and Catechesis, nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga dumalo at nakibahagi sa PCNE XI, Padayon sa Misyon. Hindi natatapos ang ating misyon na ipahayag ang Mabuting Balita ni Hesus sa tatlong araw na pagdiriwang. Patuloy tayong isinusugo ni Hesus na maglakbay ng sama-sama patungo sa kaganapan ng buhay,” ayon sa mensaheng pinadala ni Fr.Laguerta sa Radyo Veritas.

Ito ang pahayag ng Pari sa pagdaraos ng PCNE 11 thanksgiving mass.

Panalangin pa ni Fr.Laguerta ang katatagan ng loob ng bawat organizers at mga nakiisa sa gawain at mas matibay na pundasyon ng pananampalataya upang magsilbing pag-asa para sa kapwa ay pagmimisyon bilang mga katoliko.

Maging asin at ilaw na nagpapanibago sa ating mga pamilya at pamayanan. Padayon sa misyon. Huwag tayong mapagod sa pagpapaalala ng pag-asa lalo na sa mga taong napapagod na at nawawalan na ng sigla sa kanilang buhay. Padayon sa misyon,” ayon pa sa mensahe ni Fr.Laguerta.

Ang PCNE 11 ay ginanap noong July 18 hanggang 20 sa Quadricentennial Pavillion ng University of Santo Tomas kung saan palagi itong idinadaos kada taon.

Ngayon taon ay ipinagdiwang ito sa temang ‘Padayon: Synodal Witnessing of the Faith’ na dinaluhan ng limang libong delegado at kinatawan ng mga parokya sa Archdiocese of Manila at iba pang mga Diyosesis, kongregasyon at religous organization sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 5,015 total views

 5,015 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 79,316 total views

 79,316 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 135,073 total views

 135,073 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 96,060 total views

 96,060 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 97,170 total views

 97,170 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 2,120 total views

 2,120 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »

RELATED ARTICLES

Senado, kinundena ng BIEN

 13,691 total views

 13,691 total views Kinundena ng BPO Industry Employees Network (BIEN) ang naging hakbang ng Senado na pigilan ang pagpapatuloy ng impeachment case laban kay Vice-president Sara

Read More »

DA,kinilala ng FFF

 13,257 total views

 13,257 total views Kinilala ng Federation of Free Farmers ang pagbibigay ng prayoridad ng Department of Agriculture sa sektor ng mga Pilipinong magsasaka ng palay. Ayon

Read More »
Scroll to Top