Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,124 total reads

20th Sunday of Ordinary Time Cycle C

Jer 38:4-6.8-10 Heb 12:1-4 Lk 12:49-53

Si Jun ay isang engineer. May mataas siyang katungkulan sa gobyerno. Isang araw may lumapit sa kanya na isang opisyales din ng pamahalaan at may pinapapirmahan sa kanya na isang kontrata para sa government project na magkaroon ng tren na gagawin ng mga Intsik. Malaki ang project. Aabot ng ilang bilyong piso pero may anomalya sa project. Makakatanggap din siya ng malaking pera kung pipirma siya. Hindi ito maatim ng kanyang konsensya. Ayaw niyang pumirma. Nabuking ang project. Sa halip na maparusahan ang mga corrupt na opisyal, ginawan siya ng kaso at pinagbintangan. Siya ngayon ang nakulong.

Ito ay hindi gawa-gawang kwento. Marami tayong mga kwento na ganito. Ang nagsisikap na magpakabuti at sumunod sa kanilang budhi ang pinagbibintangan ng mga makapangyarihan. Bakit kaya?
Pero hindi lang ito nangyayari ngayon. Noon pa ganito rin ang nangyayari sa mga taong matuwid. Iyan ay naranasan ni propeta Jeremias. Siya ay nabuhay ng mga dalawang libo at limang daang taon nang nakaraan. Sinasalakay noon ang lunsod ng Jerusalem ng mga taga-Babilonia. Nasa loob ng lunsod si Jeremias at sinisigaw niya ang mensahe ng Diyos sa mga tao. Iyan naman ang gawain ng mga propeta. Sila ang tagapagsalita ng Salita ng Diyos. Sabi niya sa mga tao: “Sumuko na tayo. Huwag na nating labanan ang mga taga-Babilonia. Ang kanilang pagsalakay sa atin ay parusa sa ating paglabag sa mga utos ng Diyos sa atin. Sa halip ng lumaban, baguhin natin ang ating buhay. Sumunod na tayo sa Diyos.” Galit na galit kay Jeremias ang mga pinuno ng kanyang bayan. Traydor daw siya. Isinumbong nila siya sa hari; ang hari naman ay mahina. Hindi niya kayang pigilan ang mga pinuno ng bayan. Kaya hinuli si Jeremias ng mga leaders at itinapon sa isang balon na puno ng putik. Mabuti na lang at may nakakita sa kanyang kalagayan, si Ebed-Melec, at iniligtas siya.

Kawawa naman si Jeremias. Ginagawa lang niya ang pinasasabi ng Diyos at muntik na siyang mamatay ng gutom sa loob ng balon. Hindi ba ganyan din ang nangyari kay Jesus. Nagpapahayag lang naman siya ng mga Salita ng Diyos at tumutulong sa mga mahihirap at siya ay pinagbintangan ng mga leaders at tuluyang ipinapako sa Krus.

Pero alam ni Jesus ang mangyayari sa kanya. Bahagi ito ng kanyang misyon. Kaya nasabi niya na siya ay hindi naparito upang mabigay ng kapayapaan kundi ng pagkabaha-bahagi ng mga tao. Magdadala siya ng apoy, ang apoy ng katotohanan at ang apoy ng katuwiran. Ang gumagawa ng katiwalian ay lalabanan ang apoy na ito. Kokontrahin nila ang katotohanan.

Noong si Jesus ay sanggol pa lamang, dinala siya ni Maria at ni Jose sa templo. Sa gabay ng Espiritu Santo, nakilala siya ng matandang si Simeon na siya nga ang ilaw na tatanglaw sa buong mundo. Sinabi niya kay Maria: “ Tandaan mo, ang batang ito ay nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel. Siya ang magiging tanda mula sa Diyos ngunit tutugisin siya ng marami, kaya’t mahahayag ang kanilang pag-iisip.” Jesus will be a sign of contradiction and of division among many.

Sinabi na ito ni Jesus. Kokontrahin siya ng marami. Ganoon din ang mangyayari sa mga sumusunod sa kanya. Kaya nga sa simbahan mayroon tayong maraming mga martir. Sila ay pinatay dahil sa kanilang paninindigan para kay Jesus na siya ang katotohanan at buhay. Patuloy ang pagkokontra sa mga Kristiyano na sumusunod kay Jesus sa ating panahon. Ngayon, kapag nanawagan tayo na itigil na ang giyera sa Gaza at pagpapatay at paggugutom ng mga Palestinians, sinasabi na komokontra daw tayo sa mga Judio. Pero totoo naman, mga Hudyo ng Israel ang gumagawa nito. Kapag kinakampihan natin ang mga Molbog sa Bugsok island kasi inaagaw ang lupang ninuno nila ng San Miguel Corporation para magtayo ng resort, tayo daw ay nanggugulo at ayaw natin ng kaunlaran. Kapag nanawagan tayo na itigil na ang online gambling dahil sa maraming mga kabataan ay nalululong sa bisyo ng sugal, laban daw tayo sa karapatang pantao. Kung nanawagan tayo na ituloy ang impreachment ng bise-presidente para malaman kung saan dinala ang mga milyon-milyong pera ng gobyerno, namumulitika daw tayo. Kung ang pinag-uusapan ay katotohanan, katarungan, at katuwiran, may mga kokontra. Sisiraan tayo. Ayaw ng kadiliman ng liwanag, ayaw ng nang-aabuso na sila ay mabisto. Dahil sa paninindigan ni Jesus kaya siya ipinako sa krus. Pero huwag po nating ikahiya ang krus. Ito ang magdadala ng kaligtasan. Kung kasama natin si Jesus sa kahirapan, makikiisa din tayo sa kanya sa kanyang tagumpay at bagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 42,679 total reads

 42,679 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 122,624 total reads

 122,624 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 156,071 total reads

 156,071 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 191,370 total reads

 191,370 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 416,281 total reads

 416,281 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily October 11, 2026

 10,757 total reads

 10,757 total reads 28th Sunday in Ordinary Time Cycle A Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Is 25: 6-10 Phil 4:12-14.19-20 Mt 22: 1-14 Kasaganaan! Iyan

Read More »

Homily October 4, 2026

 16,291 total reads

 16,291 total reads 27th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 5:1-7 Phil 4:6-9 Mt 21:33-43 Narinig po natin ang sinabi ni San Pablo: “Huwag kayong

Read More »

Homily September 27, 2026

 18,234 total reads

 18,234 total reads 26th Sunday in Ordinary Time Cycle A National Seafarers’ Sunday Migrants’ Sunday Ez 18:25-28 Phil 2:1-11 Mt 21:28-32 Ang impiyerno ay puno ng

Read More »

Homily September 20 2026

 31,403 total reads

 31,403 total reads 25th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 55:6-9 Phil 1:20-24.27 Mt 20:1-16 Ang Diyos ay dakila. Ibang iba siya sa lahat. Napakataas

Read More »
Scroll to Top