Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,079 total reads

Homiliya para sa Ika-19 na Linggo ng Karaniwang Panahon, 10 Agosto 2025, Lk 12:32-48

Ang paksa ng ating ebanghelyo ay tungkol sa pagiging mabuting katiwala, o stewardship sa Ingles. Matatandaan ninyo na minsan meron na akong naibahaging homily tungkol sa Filipino expression na “Bahala na.” Sa pagninilay natin ngayon, gusto ko sanang imungkahi na ang mas magandang salin para sa stewardship ay “pamamahala.”
Kung Bathala ang tawag ng Pilipino sa Diyos, at ito ang pinagmulan ng salitang “Bahala” at ng pandiwang “mamahala”, ibig sabihin may kinalaman para sa ating mga Pilipino may kinalaman ang pamamahala sa pag-alam at pagsasagawa ng kalooban ni Bathala.

Magandang pangunsensya ito sa lahat ng taong pinagkatiwalaan na mamahala, lalong-lalo na ang mga nasa pamahalaan—maging sa national government o local government.

Biro nyo, Filipino lang ang alam kong linggwahe sa buong mundo na gumagamit sa pangalan ng Diyos—Bathala—na pinagmulan ng salitang “bahala” at ng pandiwang “mamahala”, na ugat na salita para sa PAMAHALAAN. Ito ang babala ng ikinwentong talinghaga ni Hesus sa ebanghelyo ngayon. May dalawang klaseng tagapamahala. Iyung namumunong mababa ang loob, may pananagutan at tapat kay Bathala dahil alam nila na pinagkatiwalaan lang sila ni Bathala; at iyung umaastang akala sika na si Bathala, nagsasamantala sa kapangyarihang ipinagkatiwala lang sa kanila. Ang susi ay “tiwala” katiwala ang papel ng namamahala o namumuno sa ngalan ni Bathala. Hindi lang pala public trust o tiwala ng taumbayan ang pundasyon ng pamamahala. Higit sa lahat—Divine Trust (tiwala ng Diyos). Kumakatawan lang, hindi pumapalit, sa pinagmulan ng lahat ng biyaya. Inuuna ang kapakanan ng mga maliliit, mga dehando sa lipunan. Katulad ng ginagawa ng Diyos bilang mabuting pastol, kumakalinga, nag-aaruga, nagtatanggol nagmamalasakit, para sa kapakanan ng kawan.

Palalimin pa natin nang konti. Kaya pala marami tayong iba pang salita na nakaugnay sa “bahala”. Tulad halimbawa ng “mabahala”, na ang ibig sabihin ay maligalig sa ikinaliligalig ng iba, na ang kabaligtaran naman ay ”magwalang-bahala” na ang ibig sabihin ay umastang walang pakialam o tumalikod sa responsibilidad.

Kaya pala sinasabi ng nanay kapag iniiwan ang baby niya sa yaya, “Papasok na ako sa trabaho. Bahala ka na kay Baby, ha? Huwag mo siyang pababayaan.” Ibig sabihin—ikaw ang magsa-Bathala sa kanya dahil si Bathala ay kumakalinga, nag-aaruga, hindi nagpapabaya. O kaya naman kung minsan nasasabi natin “Bahala na” kapag parang di mo na kaya pero pilit mong kakayanin, hindi dahil naniniwala ka sa sarili, kundi dahil alam mong naniniwala si Bathala sa iyo, sa kakayahan mo. Ang ibig palang sabihin ng Bahala na ay “Gagawin ko ang lahat. Ibubuhos ko ang lahat ng kakayahan ko.” Hindi pala ito basta bulag na paglundag sa dilim kundi matinding pagpapahayag ng tiwala kay Bathalang nagtitiwala rin sa atin.

Panginoon aming Bathala, ipaunawa mo po sa amin ang iyong kalooban upang tunay naming magampanan ang aming mga tungkulin sa iyong dakilang ngalan, upang kami’y tunay na mabahala sa ikinaliligalig ng aming kapwa, at upang kami’y makapamahala nang ayon sa din sa tiwala mo sa amin. Amen.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 21,767 total reads

 21,767 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 53,865 total reads

 53,865 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 114,362 total reads

 114,362 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 133,734 total reads

 133,734 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 214,388 total reads

 214,388 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 313,688 total reads

 313,688 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SINO?

 16,237 total reads

 16,237 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »

PAGSASAAYOS

 15,879 total reads

 15,879 total reads Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay. Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng

Read More »

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 41,066 total reads

 41,066 total reads Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 105,087 total reads

 105,087 total reads Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »
Scroll to Top