Martes, Agosto 26, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,546 total views

Martes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

1 Tesalonica 2, 1-8
Salmo 138, 1-3. 4-6

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

Mateo 23, 23-26

Tuesday of the Twenty-first Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Tesalonica 2, 1-8

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica

Kayo na rin, mga kapatid, ang nakababatid na hindi nawalan ng kabuluhan ang pagpunta namin sa inyo. Alam ninyong hinamak kami’t inalipusta sa Filipos. Gayunma’y pinalakas ng Diyos ang aming loob upang ipahayag sa inyo ang Mabuting Balita sa kabila ng maraming hadlang. Ang pangangaral nami’y hindi udyok ng kamalian, ng kahalayan o ng hangad na manlinlang. Minarapat ng Diyos na ipagkatiwala sa amin ang Mabuting Balita kaya nangangaral kami upang bigyang kasiyahan, hindi ang tao, kundi ang Diyos na nakasisiyasat ng ating puso. Alam ng Diyos at alam din ninyo na sa aming pangangaral ay hindi kami gumamit ng pakunwaring papuri o ng mga salitang nagkukubli ng masakim na hangarin. Hindi kami naghangad ng papuri o ng mga salitang nagkukubli ng masakim na hangarin. Hindi kami naghangad ng papuri ninyo o ninuman, bagamat may katwiran kaming maghintay niyon bilang mga apostol ni Kristo. Naging magiliw kami sa inyo tulad ng isang mapagkalingang ina sa kanyang mga anak. Dahil sa laki ng aming pagmamahal sa inyo, itinalaga namin ang aming sarili sa pangangaral sa inyo ng Mabuting Balita. Hindi lamang iyan, pati ang aming buhay ay ihahandog namin, kung kakailanganin. Lubusan na kayong napamahal sa amin.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 138, 1-3. 4-6

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

Ako’y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay,
ang lahat kong lihim, Poon, ay tiyak mong nalalaman.
Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid,
kahit ikaw ay malaya, batid mo ang aking isip.
Ako’y iyong nakikita, gumagagawa o hindi man,
ang lahat ng gawain ko’y pawang iyong nalalaman.

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi’y
alam mo nang lahat iyon, lahat ay di malilihim.
Ika’y laging kapiling ko, katabi ko oras-oras,
ang likas ong kalakasan ang sa aki’y nag-iingat.
Nagtataka ang sarili’t alam mo ang aking buhay,
di ko kayang unawain iyang iyong karunungan.

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

ALELUYA
Hebreo 4, 12

Aleluya! Aleluya!
Buhay ang salita ng D’yos,
ganap nitong natatalos
tanang ating niloloob.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 23, 23-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ibinibigay ninyo ang ikapu ng gulaying walang halaga ngunit kinaliligtaan ninyong isagawa ang lalong mahahalagang aral sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Tamang gawin ninyo ang mga ito, ngunit huwag naman ninyo kaliligtaang gawin ang iba. Mga bulag na taga-akay! Sinasala ninyo ang niknik sa inyong inumin, ngunit nilulunok ninyo ang kamelyo!

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan ngunit ang loob nito’y puno ng mga nahuthot ninyo dahil sa kasakiman at pagsasamantala. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang mga nasa loob ng tasa at ng pinggan, at magiging malinis din ang labas nito!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Natitipon bilang Bayan ng Diyos, dalhin natin ang ating mga pangangailangan sa Ama at manalig tayo na kanyang pagbibigyan ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, basbasan Mo ang taos puso naming pananalangin.

Ang Simbahan nawa’y maging gising sa kanyang tungkulin na ipalaganap ang katarungan para sa lahat sa pamamagitan ng kanyang paglilingkod sa mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga opisyal ng gobyerno nawa’y maging tapat sa kanilang pagbibigay ng serbisyo at pagsasakatuparan ng mga programa para sa mga mahihirap at napapabayaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga empleyado at mga manggagawa nawa’y maging magalang at magpakatotoo sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lumisan na sa buhay na ito nawa’y magkaroon ng walang hanggang kaligayahan sa piling ng mga banal sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, palalimin mo ang aming pananampalataya upang umunlad kami sa iyong pag-ibig at lagi kaming maglingkod sa iyo nang may kagandahang-loob at katapatan sa aming puso. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 36,542 total views

 36,542 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 111,156 total views

 111,156 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 191,235 total views

 191,235 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 234,374 total views

 234,374 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 233,266 total views

 233,266 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hulyo 18, 2026

 811 total views

 811 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Mikas 2, 1-5 Salmo 9, 22-23.

Read More »

Biyernes, Hulyo 17, 2026

 2,353 total views

 2,353 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas,

Read More »

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 3,893 total views

 3,893 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 5,138 total views

 5,138 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

Martes, Hulyo 14, 2026

 5,817 total views

 5,817 total views Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari Isaias 7, 1-9 Salmo 47, 2-3a. 3b-4.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top